NASA ILALIM NG MECQ PRAYORIDAD SA BAKUNA

PRAYORIDAD ngayon ng pamahalaan sa COVID-19 vaccination drive nito ang mga lugar na nasa ilalim modified enhanced community quarantine (MECQ), itinuturing na “second toughest lockdown level.”

“‘Yong mga naka-MECQ ay magkakaroon ng mas maraming doses ng bakuna dahil ipa-factor in na rin natin ‘yong risk classification nila dahil ito ang mga area na mataas ang bilang ng COVID,” ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles.

“This, after President Rodrigo Duterte authorized the deployment of more anti-coronavirus jabs to areas with increasing infections,” dagdag na pahayag ni Nograles.
Si Nograles ay co-chairman ng pandemic task force ng gobyerno.

Kagabi sa Talk to the People ni Pangulong Duterte ay inanunsyo ni Pangulong Duterte ang mga lugar na nasa ilalim ng MECQ mula Hunyo 16 hanggang 30. Ang mga ito ay ang:

Region 2
Santiago City
Cagayan
Cordillera Administrative Region
Apayao
Ifugao
Region 3
Bataan
Region 4-A
Lucena City
Region 4-B
Puerto Princesa City
Region 5
Naga City
Region 6
Iloilo City
Iloilo
Region 7
Negros Oriental
Region 9
Zamboanga City
Zamboanga Sibugay
Zamboanga Del Sur
Zamboanga Del note
Region 10
Cagayan De oro City
Region 11
Davao City
Caraga
Butuan City
Agusan Del Sur
Dinagat Islands
Surigao del Sur

Ang Metro Manila at kalapit na lalawigan ay mananatili naman sa ilalim ng general community quarantine “with varying degrees of restrictions” sa ikalawang bahagi ng Hunyo.

Ang natitirang bahagi naman ng bansa ang nasa ilalim ng “least stringent quarantine level, modified GCQ.”

Ang Visayas at Mindanao ay nagpakita ng ” faster increase” sa bilang ng bagong COVID-19 cases, ayon sa Department of Health. (CHRISTIAN DALE)

33

Related posts

Leave a Comment