Pagbubunyag ng ex-kadre sa Senado UTOL NI ANGEL LOCSIN TOTOONG NPA

PINATOTOHANAN ng isang dating kadre ng New People’s Army na bahagi ng kilusan ang kapatid ng aktres na si Angel Locsin.

Sa pagdinig ng Senate Committee on National Defense and Security, sinabi ni Jeffrey Celiz, alyas Ka Eric na nakilala niya sa Quezon ang kapatid si Ella Colmenares.

“Gen (Antonio) Parlade is not lying. Ella Colmenares, the sister of Angel Locsin. was an NPA in Quezon, na-meet ko siya,” saad ni Celiz.

“Si Ella Colmenares, umalis ‘yan ‘di na siya mapipigilan so bumalik siya sa open mass movement pero CPP pa rin siya, she’s operating underground at alam ko nasa MAKIBAKA (Malayang Kilusan ng Bagong Kababaihan) siya sa Gabriela,” dagdaga p anito.

Una nang itinanggi ni Colmenares ang akusasyon sa kanya ni Parlade at iginiit na suportado lamang niya ang adbokasiya para sa women’s rights at hindi ang armed struggle.

Samantala, sa pagdinig, inamin ni Celiz na dati siyang kasama sa narcolist ng Duterte administration noong 2016 at siya ang spokesman ni dating Iloilo Mayor Jed Mabilog na isinasangkot sa droga.

Nilinaw naman nito na ang pagkakasama niya sa listahan dahil bahagi ito ng government project para lansagin ang sindikato ng droga sa Iloilo.

“My inclusion to the narcolist of the President was part of a government project and that circumstances emanated from my being part of the interoperative. Matagal po akong naging member ng interoperative ng NPA,” paliwanag ni Celiz. (DANG SAMSON-GARCIA)

108

Related posts

Leave a Comment