PAGGAMIT NG ASTRAZENECA PINASUSPINDE SA DOH

0

HINILING ng Food and Drug Administration (FDA) sa Department of Health (DOH) na suspendihin ang paggamit ng bakunang AstraZeneca bilang panlaban sa coronavirus disease – 2019 (COVID-19) sa mga Pilipinong 60-anyos pababa dahil sa nadiskubreng pamumuo ng dugo sa ilang naturukan nito.

Ginawa ito ng FDA matapos makita ng mga European drug regulator na konektado ang bakunang AstraZeneca sa ilang kaso ng pamumuo ng dugo o blood clot at mababang bilang ng platelet sa katawan ng taong naturukan ng nasabing bakuna.

“Bihira lamang ang mga kasong mayroong pamumuo ng dugo at mababang bilang ng platelet sapagkat 16 out of 200 million na nakatanggap ng bakuna ng AstraZeneca ay nakaranas ng pamumuo ng dugo,” paglilinaw naman ni FDA Director General Eric Domingo.

Ngunit, tiniyak ni Domingo na pwedeng gamitin ang naturang bakuna sa senior citizens. (MARINHEL T. BADILLA)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment