PDU30 BINUWELTAHAN SI CHEL DIOKNO

INAKUSAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si human rights lawyer Chel Diokno ng paglulunsad ng black propaganda laban sa gobyerno.

Binatikos din ng Punong Ehekutibo si Diokno dahil sa pagdepensa sa isang lalaki na iniimbestigahan ngayon dahil sa “fake news.” Tinukoy ng Pangulo ang naging desisyon ni Diokno na hawakan ang kaso ng isang lalaki na ipinatawag ng National Bureau of Investigation kaugnay sa “publicly posting an article concerning an alleged misuse of government funds.”

“Itong si Chel Diokno sinabi pa niya sige ako magdepensa sa inyo. Alam mo Chel Diokno, kayo ng opposition diyan. Huwag niyo pilitin ang pagkatao niyo… sa gobyerno. Kayo nag-sige tagatakbo ng black propaganda kasi malapit na eleksyon.

Sabihin ko ngayon sayo Diokno. Kapag iyang tao ang ipalit nyo sa sunod na eleksyon, torpe talaga ang Pilipino. Pranka. Wala na ako. Hindi na ako makialam,” ayon sa Pangulo sa kanyang Presidential Message, Biyernes ng gabi, Abril 4.

Sa ulat, sinabi ni Diokno na pati mga ordinaryong mamamayan ay ipinapatawag ng NBI.

Sa kanyang tweet Huwebes ng umaga, mayroon daw humihingi ng tulong sa kanya dahil ipinapatawag ng NBI dahil sa pagpo-post daw ng mga hinaing online.

“Di lang si Mayor Vico. Pati ordinaryong mamamayang nagpo-post ng hinaing online, pinapatawag ng NBI. Tinanggap ko ang kasong ito dahil di na makatao ang nangyayari. Ang dami nang namamatay, pati frontliners, pero imbes na COVID, kritiko ang gusto nilang puksain. #ProtectThePeople” tweet nya.

Kasama ng tweet ay screenshot ng paghingi ng tulong at ang subpoena. CHRISTIAN DALE

58

Related posts

Leave a Comment