PERA NG GOBYERNO WAG SAYANGIN

SINABI ng Malacanang na walang pumipigil sa mga mag-aaral kasama na ang mga iskolar ng bayan para maging kritiko ng gobyerno.

Ani Presidential spokesperson Harry Roque, karapatan ng mga nasa pampublikong paaralan ang malayang pamamahayag pero responsibilidad din naman ng mga itong matiyak na hindi masasayang ang pera na ginugugol ng gobyerno sa pagpapaaral sa kanila.

Ito aniya ang gusto lang masiguro ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte lalo na’t kasama sa bumubuno sa pagpapaaral ng mga estudyanteng nasa pampublikong paaralan at unibersidad ay ang mahihirap nating mga kababayan.

Nagbabayad aniya ito ng mga indirect taxes kaya’t mauuwi lang sa wala ang lahat kung hindi tutugon ang mga iskolar ng gobyerno sa mga academic requirements bilang paraan ng protesta ng mga kritiko ng pamahalaan.

Hindi naman itinanggi ni Sec. Roque na isa siyang dating aktibista pero wala sa kanilang bokabularyo ang magpabagsak at hindi aniya excuse o dahilan ang pagiging aktibista para lumagpak sa klase at masayang ang perang ipinapaaral sa kanila ng bayan. (CHRISTIAN DALE)

70

Related posts

Leave a Comment