PLDT, SMART, SKY, AT CIGNAL PINAGPAPALIWANAG SA IATF

0

BINATIKOS ng tatlong kongresista ang anila’y mga pagkukulang ng PLDT, Smart, Skycable, at Cignal TV tungkol sa kasalukuyang “emergency maintenance” ng mga kable nitong nakalatag sa ilalim ng dagat.

Nanawagan sina Reps. Lawrence Fortun, Alfredo Garbin Jr., at Bernadette Herrera sa IATF na mag-imbestiga at patawan ng karampatang parusa ang apat na kumpanya.

Giit ng mga mambabatas, 7 hanggang 15 araw na abiso dapat ang ginawa ng internet service providers para mapaghandaan ang hindi bababa sa limang araw na service maintenance.

Pinuna ni Garbin ang posibleng impact ng telecom outage sa public services, banking, financial transactions, online classes, online selling, and e-commerce na gumagamit ng internet services ng PLDT and Smart.

“Anong gagawin ng mga mamamayan at mga negosyong nakakonekta sa PLDT, Smart, Skycable, and Cignal TV? Isang linggo silang lahat nakatunganga? Isang linggong walang kita? Isang linggo hindi makabayad ng bills at mga utang?” punto ni Garbin.

“Hindi pwede ang sorry lang sa ganyan. Milyun-milyong tao at libu-libong mga negosyo ang apektado tapos sorry lang? Bukod sa rebate, magbayad kayo ng multa,” ani Garbin, kasapi ng House Committee on Legislative Franchises.

“Harap-harapang panloloko.

Harap-harapang holdap.

That is what internet subscribers experience when they religiously pay for internet subscriptions that promise strong and efficient signal, but get very poor signal, and at times no signal at all.

Ang daming panahong hindi ka makakuha ng matinong signal at hindi mo nagagawa ang iyong trabaho o hanapbuhay, ngunit pinagbabayad ka nang buo.

Hindi ka naman makahindi dahil lalo kang mapeperwisyo dahil tutuluyan ka nilang putulan.

Anong tawag dyan? Di ba holdap?” ani Cong. Fortun.

Inalala rin ni Fortun na maaaring maapektuhan nito ang livestreamed sessions ng Kamara at Senado, pati na rin ng mga provincial board, city council at municipal council, kasama na rin ang mga virtual press briefing ng DOH, IATF, at Malacanang. (CESAR BARQUILLA)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment