POSISYON NI PDU30 SA VFA ‘DI MABABAWI NG VISA NI BATO

WALANG mababago dahil mananatili ang posisyon ng gobyerno ukol sa pagpapaliban ng pag-terminate sa Visiting Forces Agreement (VFA) sa Estados Unidos

Ito ang inihayag ni Presidential spokesperson Harry Roque sa kabila ng ginagawa nang pagpoproseso ng Estados Unidos sa US visa ni Senador Ronald dela Rosa.

Ani Sec. Roque, sa kabila na natutuwa sila at nalinawan ang mga Amerikano na hindi dapat tinatrato nang gayun ang halal ng taumbayan ay hindi pa rin nagbabago ang huling binitawang salita ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

“Kung ito po ay magbabago o magiging dahilan para magbago ang polisiya sa VFA, well hindi pa po nagbabago iyong huling binitawang salita ni Presidente na ipagpapaliban po ng 6 months iyong

pagti-terminate sa VFA at itong pagpapaliban ay extended po by another 6 months – iyan pa rin po ang posisyon,” aniya pa rin.

Insulto aniya ang nangyaring hindi binigyan ng visa ang isang halal na senador ng bayan sa katauhan ni Senador Bato dela Rosa.

“Ang posisyon naman po ng Pilipinas ‘no, insulto iyong nangyari na hindi binigyan ng visa ang isang halal na Senador ng bayan ‘no. So nagagalak naman po kami na nalinawan ang mga Amerikano na hindi dapat ganyan ang pagtrato sa mga halal ng taumbayan na mga Pilipinong opisyal,” ayon kay Sec. Roque.

Enero ngayong taon nang kanselahin ng Amerika ang US visa ni Dela Rosa nang walang binanggit na rason.(CHRISTIAN DALE)

74

Related posts

Leave a Comment