PRESO INATAKE SA PUSO, NAKURYENTE

CAVITE – Patay ang isang 38-anyos na preso nang atakehin sa puso at makuryente sa loob ng piitan sa bayan ng Rosario sa lalawigang ito.

Namatay habang nilalapatan ng lunas sa Rosario Maternity and Medical Center ang biktimang si Bryan Peji Dela Cuz ng Brgy. Sapa 4, Rosario, Cavite.

Sa ulat ni P/SSgt. Doantilla Quinton ng Rosario Municipal Police Station, may sakit sa puso ang biktima bago nakulong sa Rosario Custodial Center.

Napag-alaman, alas-12:30 ng madaling araw nitong Sabado nang makaramdam ng hirap sa paghinga ang biktima hanggang sa atakehin sa puso naging dahilan upang siya ay matumba.

Sa kanyang pagbagsak, nahawakan niya ang isang kawad naging dahilan upang siya ay makuryente.

Mabilis na isinugod sa ospital ang biktima ngunit nalagutan ng hininga habang nilalapatan ng lunas.

Ayon sa datos, nabatid na si Dela Cruz ang naitalang pangwalo sa bilang ng mga namatay na preso

sa Cavite Custodial center sa taong kasalukuyan. (SIGFRED ADSUARA)

Related posts

Leave a Comment