Publiko maoobligang magpabakuna VACCINE CARD BAHAGI NG ‘NEW NORMAL’

POSIBLENG kailanganin na sa mga susunod na araw na makapagpakita ng vaccination card ang isang indibidwal para makalabas ng bahay.

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na posibleng mangyari ito at maging bahagi na ng new normal.

Sa katunayan, nagawa na aniya ito noong nagdaang SONA kaya’t ngayon pa lang ay dapat nang magbitbit ng print out ng vaccination card ang mga nakakumpleto na ng bakuna.

“Noong SONA ay ni-require na po iyan. So, naisip ko nga na maski, kasi iyong aking print out ay online, so inisip ko nga kinakailangan talagang gumawa ng plastic holder dahil mukhang that will be part of the new normal na ipapakita natin iyong mga vaccination card natin. At ito naman po ay, siguro po mapapatupad iyan, kaunti na lang po, kasi 30% na po ang fully vaccinated sa Metro Manila,” aniya.

Ang vaccine card ay tiyak aniyang magkakaroon ng mahalagang papel para makasabay sa bagong takbo ng pamumuhay lalo’t nat baka magkaroon na ng paninita sa mga nasa labas ng tahanan.

Bunsod na rin ito ng pahayag ng chief executive na huwag lumabas ang mga walang bakuna. (CHRISTIAN DALE)

79

Related posts

Leave a Comment