PUV driver na lalabag sa 1 meter physical distancing LISENSYA KUKUMPISKAHIN

0

NAGBABALA kahapon ang Joint Task Force (JTF) COVID Shield sa lahat ng PUV drivers na posibleng kumpiskahin at ipatubos ang kanilang  lisensya sa Land Transportation Office oras na mahuling nilalabag ang one-meter physical distancing rule ng mga pasahero.

Ayon kay Joint Task Force commander Police Lt. Gen. Guillermo Eleazar, ang nasabing hakbang ay kasunod ng pahayag ng Inter-Agency Task Force na mananatili ang one-meter distance rule sa mga mananakay sa pampublikong transportasyon hangga’t wala pang pinal na desisyon sa paksa ang Pangulong Rodrigo Duterte.

Kasabay rin nito ay nagsimula nang manita maging ang PNP Highway Patrol Group sa mga pampublikong sasakyan na sumusuway sa one meter physical distancing na bahagi ng pinaiiral  na
minimum heath requirement upang maiwasan ang pagkalat ng coronavirus.

Sa nasabing warning ng JTF COVID Shield, bukod sa pagkumpiska sa lisensya, may kaakibat din umano itong multa at matutubos lamang nila ang kanilang lisensya sa tanggapan ng LTO.

Sinabi pa ni Eleazar, may mga police marshall na nakakalat para siguruhing masusunod ang minimum health protocols kahit na nasa terminal pa ang mga PUV.

“So random lang kasi ginagawa natin because we cannot check all these vehicles but the point is if ever that there is violation na makikita ng law enforcers inside the vehicle and even ang sasakyan sa mga terminal, the drivers will be cited,”paliwanag ng heneral. (JESSE KABEL)

Related posts

Leave a Comment