RECRUITMENT NG NURSES PATULOY

PATULOY na nagre-recruit ng karagdagang nurses ang Department of Health (DoH) Region 6 lalo na sa Negros Island.

Sinabi ni IATF Chief implementer for Visayas Gen. Melquiades Feliciano, layon nitong mapanatiling sapat ang bilang ng healthcare workers sa kanilang mga pagamutan.

Binigyang halimbawa nito ang pagtulong ng Region 7 sa Negros Island.

Masusi naman aniya nilang mino-monitor ang mga nangyayari sa isla sa pamamagitan ng chat group upang matulungan at magabayan ang mga public and private doctor doon na agad mapagaling ang mga pasyente lalo na ang mga nakararanas lamang ng mild symptoms ng COVID-19.

Ito aniya ay para hindi na umabot sa moderate o critical level ang mga Covid patient na hindi naman malala ang sakit.

Marami pa umano silang ginagawa katuwang ang mga lokal na pamahalaan at ang iba’t ibang tanggapan upang mapigilan ang pagtaas ng kaso ng virus sa Negros Island. (CHRISTIAN DALE)

71

Related posts

Leave a Comment