RIZAL GOV POSITIBO SA COVID-19

KINUMPIRMA sa Facebook post ni dating Antipolo City Mayor Junjun Ynares III na tinamaan ng coronavirus disease ang inang si Rizal Governor Rebecca Alcantara-Ynares.
Nasa stable naman aniyang kondisyon kahit at nasa isolation na ang gobernadora.

Minabuti na rin nilang ilagay sa isolation ang amang si dating Governor Ito Ynares.

Hinala ng pamilya Ynares, nakuha ni Gov ang virus sa araw-araw na pag-iikot sa kanilang mga kalalawigan para alamin ang mga pangangailangan sa pinaiiral na Enhanced Community Quarantine.

Kaugnay nito, pinayuhan ng dating alkalde ang mga nakasalamuha ni Gov Ynares na sumailalim sa self quarantine at kung makaramdam ng anomang sintomas ay agad sumangguni sa doktor. KNOTS ALFORTE

Related posts

Leave a Comment