ROBIN PADILLA SALUDO KAY BONGBONG MARCOS

Nagpahayag ng kanyang paghanga ang aktor na si Robin Padilla kay dating senador Bongbong Marcos dahil sa patuloy nitong pagtulong sa mga Pilipino.

Sa kanyang Facebook page, nag-post ang tinaguriang ‘Bad Boy’ of Philippine cinema ng : “Bongbong Marcos Ito ang tamang galaw ng taong may utang na loob kay PRRD. No politicking ano man ang Plano niya sa 2022 hindi Siya nagsasalita ng laban sa gobyerno o kahit kanino sa gabinete dahil alam niya ano man kasiraan ng nasa gabinete ay kasiraan ni PRRD.

Ang mahalaga sa kanya ay makatulong sa gobyerno sa oras na ito. No politics na muna Malinaw sa kanya na ang hagupit sa kalabaw ay sa kabayo ang latay.

Maraming salamat sa iyo Kaibigang bongbong Marcos

Mga kababayan Magtulungan po tayo sa oras na ito.”

Dinumog naman ng magagandang komento ang naturang post ni Robin. Maraming netizens ang napabilib nang malaman na tahimik sa kanyang pagtulong si Bongbong.

“Yan Ang tunay na Marcos good job sir saludo ako sa inyu”… komento ng netizen na nagngangalang Arnold Mendoze.

“Yan ang magaling tahimik pero kilos ng kilos hindi tulad ng iba na puro pagmamagaling lang ng kadadakdak sa media…kanya kanyang pasikatan pero wala namang action…saludo ko sayo sir bongbong marcos 👍👍👍,” comment naman ni Bernard Francisco Rodriguez.

Dahil sa kanyang pagiging bukas-palad sa mahihirap at walang pagod na pagseserbisyo, marami ang naniniwalang karapat-dapat muling mahalal si Marcos.

Katunayan, may mga nagsusulong ng tambalang Bongbong at Sara sa 2022. Sabi nga ng netizen na may username na Archie Malate: “BBM – Sara sa 2022 matik na idol 👊🏽”

89

Related posts

Leave a Comment