SENIORS ATUBILI PANG MAGPABAKUNA

0

PATULOY ang panawagan ng pamahalaan sa mga senior citizen na magpabakuna na.

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, na ang mga lolo’t lola ang pinakadelikado sa pinangangambahang Delta variant na mas mabilis ang transmission kaysa sa nauna nang COVID-19.

“So success po tayo sa ating mga health frontliners. So ang medyo talaga pong mababang nagpapabakuna ay ang mga seniors. Naku, lolo,lola, kayo po ang pinakadelikado dito sa Delta variant, sana po ay magpabakuna na po kayo,” ayon kay Sec. Roque.

Tiniyak naman ni Sec. Roque na nananatiling may special lane para sa mga senior sa harap ng nagpapatuloy na prayoridad na ipinagkaloob ng pamahalaan para sa kanila para mabakunahan.

Sa kabilang dako, sinabi ni Sec. Roque na tagumpay naman ang vaccination sa hanay ng mga nasa A1 group o sa panig ng mga health worker.

Tinatayang, nasa 90% na aniyang mga medical worker ang nabakunahan at sa mga susunod na araw ay makukuha na ang 100%. (CHRISTIAN DALE)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment