SEXY MALE STARLET, PA-BOOKING SA MGA MAHILIG NA BADING

SILHOUETTE ACTOR12

olea(NI JERRY OLEA)

PA-BOOKING  sa mga bading ang isang sexy male starlet.

On the side ay ibinu-boogie wonderland niya ang mga katropa niyang lalaking starlet, na karamihan ay palaban sa hubaran pero kapos sa talent.

Natikman ng isang mael­yang bading ang sexy male starlet, at ang press release ng bading ay isa siyang call center agent.

Ang hilig ni maelyang ba­ding ay mga lalaking mula sa dakilang lahi. Itong si sexy male starlet, eh, Reggie Lee ang ari-arian, kaya kahit mabango ito at magaling sa romansahan ay hindi na naulit ang minsan nilang tikiman. Pero tuloy ang communication nila, dahil ini-refer ni sexy male starlet ang mga kapwa male starlet friends sa maelyang bading.

Itsinika ng maelyang bading sa kaibigang showbiz reporter ang transactions nila. Ang hitad na showbiz reporter, inilathala iyon bilang blind item. Nabasa iyon ng sexy male starlet, at na-hurt ito na ibinandera ang pagbu-boogie niya sa mga kasamahan.

“Bakit nagsinungaling ka? Bakit mo sinabing isa kang call center agent eh isa ka palang veterinarian?” text ni male starlet. Dedma ang maelyang bading na doktor ng mga hayop.

Tumatawag sa cellphone ang sexy male starlet. Hindi iyon sinasagot ng maelyang bading na bisi-bisihan ang peg. Nangulit ang sexy male starlet, “Pwedeng magkita tayo uli? Patitingnan ko sana sa ‘yo ang alaga kong aso.” Natakot ang maelyang ba­ding. Nagpalit na siya ng mobile number.

###

Bilib na bilib si Direk Joel Lamangan sa mga artista niya sa pelikulang In The Name Of The Mother.

Bida rito si Snooky Serna bilang matriarch, at pasaway ang tatlong anak niya rito na ginampanan nina Pancho Magno, Rita Daniela at Miggs Cuaderno.

Totoo ba na hindi nalalayo sa tunay na buhay ang karakter dito ni Rita na papalit-palit ng boyfriend?

Sinabihan pa ni Direk Joel si Rita, “Huwag kang magpapa-sweet! Hindi bagay sa ‘yo!”

Natuwa si Direk Joel sa kabaitan ni Rita at pagiging honest sa kanya.

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment