Spox Roque sa paggamit ng face shield COMMON SENSE GAMITIN

PAIRALIN ang common sense sa paggamit ng face shield sa pag-eehersisyo sa labas ng bahay, pagbibiskleta at pagtakbo o pag-jogging.

Ito ang tila naiiritang pahayag ni Presidential spokesperson Harry Roque sa paulit-ulit na pagbibigay linaw kung kailan at saan dapat gamitin ang face shield.

“Again, common sense, please common sense. Law is based on human experience and you need to use common sense, in the same way that you don’t use masks when swimming,” ayon kay Sec. Roque.

Marami kasi ang humihingi ng paglilinaw mula kay Sec. Roque ukol sa paggamit ng face shields gaya ng “people exercising outdoors, biking, running”.

Nauna rito, ipinag-utos na ng pamahalaan ang “mandatory” na pagsusuot ng face shield sa “indoors at outdoors” matapos na matuklasan ng Department of Health (DoH) ang maraming kaso ng Delta variant, coronavirus variant na unang napaulat sa bansang India.

Pagtugon sa payo ng mga health expert at pananaw sa Delta variant, idineklara ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagsusuot ng face shield, “indoor at outdoor,” at nananatili itong “mandatory.”

Sa kabilang dako, sa Talk to the People ni Pangulong Duterte, Lunes ng gabi ay sinabi ni Dr. Edsel Salvana ng Department of Health Technical Advisory group na ang strict protocols sa lahat ng borders ay kailangang maipatupad upang maiwasan ang community transmission ng Delta variant, na aniya’y maaaring makahawa ng 8 katao.

Sinabi pa nito na ang incoming travelers ay kailangan ilagay sa quarantine facility sa loob ng 10 araw.

Idagdag pa rito, ang mga pasahero ay kailangan suriin sa ika-7 araw.

Samantala, sinabi pa rin ni Salvana na ang natitirang apat na quarantine days ay maaari nang ilaan sa home quarantine.

Ayon sa DOH, mayroon nang 17 kaso ng “more infectious Delta variant” ang natukoy sa bansa. (CHRISTIAN DALE)

81

Related posts

Leave a Comment