SUPPORT LOCAL, BUY LOCAL

MATAGAL na ring panahon na patakaran at panawagan ng pamahalaan ang paghikayat sa mamamayang Filipino na tangkilikin at bilhin ang mga produktong gawa rito sa bansa.

Ngunit, ngayon ay higit na makabuluhan ang panawagan ng Department of Trade and Industry (DTI) sa mamamayang Filipino na tangkilikin at bilhin ang mga produktong ginawa sa bansa, sapagkat matutulungan nitong sumulong at umangat ang ekonomiya na pinasadsad ng nararanasang pandemya sa COVID-19.

Produktong Pinoy

NOONG Hulyo 2, nanawagan si DTI Secretary Ramon Lopez na: “Tangkilikin natin ang locally produced products. If we patronize locally produced products, ang nabubuhay po diyan ay ‘yung mga companies na may local employment.”

“In other words, pag bumili sila ng local ang nake-create na trabaho ay para sa ating mga kababayan,” paliwanag ni Lopez.

Ang mensahe ng kalihim sa press briefing noong Hulyo 2 ay bahagi ng agresibong kampanya ng DTI pabor sa mga produktong Filipino.

Mapapansin sa online version ng ilang broadsheet newspaper na mayroong patalastas ang DTI na “Buy Local, Go Local.”

Importasyon

NGUNIT, inamin ni Lopez na walang plano ang DTI na ipatigil ang importasyon ng mga produktong nagmula sa ibang bansa.

Ayon sa kalihim, kinikilala pa rin ng administrasyong Duterte ang konseptong “malayang merkado.”

Ang malayong merkado ay isa sa sangkap ng kapitalismomg sistema ng ekonomiya kung saan malayang nakapapamili ang mga mamimili ng mga produktong gusto nilang tangkilikin at bilhin.

Ani Lopez: “In the end, this will redound to creating the environment of competition. Free market pa rin tayo pero ang hinihingi natin on the demand side ay mas tangkilikin ang locally produced.”

Livelihood

HINDI naman pahuhuli ang DTI sa pagtulong sa maliliit na negosyante, wika ni DTI-Cagayan Provincial Director Ma. Salvacion Castillejos.

Mayroong “Livelihood Seeding Program-Negosyo Serbisyo sa Barangay (LSP-NSB)” ang DTI.

“The coverage of the NSB Program was expanded to give priority assistance to Micro, Small, and Medium Enterprises (MSMEs) affected by health disasters arising from epidemics and pandemics

such as COVID-19. We do not only provide business development assistance but also livelihood kits in order to help MSMEs recoup and to re-ignite economic activities within the community especially during this time,” paliwanag ni Castillejos.

Kaugnay nito, idiniin ni Lopez na: “Only with this support ng ating mga kababayan [that] we can really reopen and restart our economy.”

“Bumili muna dito para ma-stimulate ang demand ng mga produkto, mga serbisyo especially ng micro, SMEs (small and medium enterprises),” susog ng kalihim.

Sa panawagang ito ng DTI ay tinutulungan nito ang mga negosyanteng pasok sa MSEs at mga manggagawang nagtatrabaho rito.

Kaya, lubos na umaasa ang DTI na tutugon at makikiisa ang mga mamimiling Filipino. (NELSON S. BADILLA)

36

Related posts

Leave a Comment