SUSUNOD NA TALK TO THE PEOPLE NI PDU30, NEXT WEEK NA

0

PUNOMPUNO umano ang iskedyul kaya’t hindi na muna makapagsasagawa ng kanyang “second Talk to the People” o TTP public briefing ngayong linggo si Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Sinabi ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa kanyang virtual press conference nitong Huwebes.

“Wala na pong schedule for this week [na Talk to the People] dahil maraming activities po ang Presidente for this week,” ayon kay Sec. Roque.

Ito ang pangalawang magkasunod na linggo na isang Talk to the People lamang ang nagawa ng Chief Executive.

Noong nakaraang buwan lamang ay sinabi ng Punong Ehekutibo na magsasagawa siya ng TTP dalawang beses sa isang linggo.

Ang TTP ay itinuturing na mahalagang venue para sa Pangulo na mabigyan ng update ang mga Filipino ukol sa progreso ng mahahalagang proyekto gaya ng bagong pinasinayaan na Bicol International Airport.

Ginagamit din ng Pangulo ang TTP para sagutin ang mga isyu na may kinalaman sa korapsyon sa gobyerno lalo na sa nagpapatuloy na imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee hinggil sa pagbili ng pamahalaan ng coronavirus disease (COVID-19) supplies noong 2020. (CHRISTIAN DALE)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment