TRAFFIC ENFORCER NIRATRAT NG MOTORISTA

0

MAPALAD na hindi napuruhan sa apat na tama ng bala sa katawan mula sa 9MM pistol, ang isang miyembro ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) makaraang pagbabarilin ng isang sinitang motorista sa Tondo, Manila noong Biyernes ng tanghali.

Bagama’t ligtas na sa kapahamakan, patuloy pa ring inoobserbahan sa Tondo General Hospital ang biktimang si Mark Macmelan, nasa hustong gulang.

Samantala, patuloy ang pangangalap ng testigo sa ikalulutas ng kaso. Hinihinalang karnaper ang suspek dahil iniwanan ang dala nitong sasakyan na brown Mitsubishi, at sinakyan ang motorsiklo ng traffic enforcer na ginamit na get-away vehicle.

Sa inisyal na ulat ng Manila Police District Station 1, bandang 11:30 ng tanghali nang mangyari ang insidente nang sitahin ni Macmelan ang suspek sa Juan Luna St. sa Tondo kung saan ito naka-duty.

Habang nagmamando ng trapiko ang biktima ay nakita nito ang sasakyan ng suspek na lumabag sa batas trapiko kaya sinita ito.

Huminto naman ang suspek ngunit nang lalapit na ang traffic enforcer ay biglang pinaharurot nito ang sasakyan kaya hinabol ni Macmelan.

Bunsod nito, napilitang ihinto ng suspek ang kanyang sasakyan sa Mel Lopez Boulevard na dating Road 10 malapit sa Skyway,

Dito na umano pinagbabaril ng suspek ang biktima at pagkaraan ay sinakyan ang motorsiklo ng traffic enforcer saka mabilis na tumakas.

Hinala ng pulisya, karnaper ang suspek dahil nagawa nitong iwanan lamang ang dala nitong sasakyan.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa pakikipagkoordinasyon sa Highway Patrol Group (HPG) at inaalam na sa LTO kung sino ang may-ari ng sasakyan habang nagsasagawa ng manhunt operation laban sa suspek. (RENE CRISOSTOMO)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment