TRICYCLE SINUWAG NG VAN; 2 PATAY, 1 SUGATAN

0

PATAY ang dalawang pasahero ng tricycle matapos araruhin ng kasalubong na van sa Maharlika Highway, Barangay Binutas, Calauag, Quezon, Martes ng gabi.

Dead-on-the-spot ang mga biktimang sina Modesto Lazaga, residente ng Calauag at Cesar Epa, taga-bayan ng Buenavista.

Ang dalawa ay parehong nasa loob ng sidecar ng tricycle na siyang natumbok ng nakabanggang Toyota Hi-ace na minamaneho ni Edwin Barretto, taga-Valenzuela City.
Sugatan naman ang driver ng tricycle na si Renato Oriendo.

Batay sa report, magkasalubong ang dalawang sasakyan at galing sa direksyon ng Bicol ang van nang sakupin nito ang linya ng tricycle kaya naganap ang salpukan.
Nakapiit ang driver ng van sa Calauag municipal police station custodial facility at nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide and damage to property. (NILOU DEL CARMEN)

Related posts

Leave a Comment