Unsolicited advice para sa ABS-CBN ACCEPT YOUR DEFEAT WITH HUMILITY & MAGNANIMITY

0

SA ngayon, mukhang tagilid na talaga ang ABS-CBN programs na umere pa on its free TV platform, pero ayaw pa rin nilang mag-give up, bakit kaya?
Isa sa mga nakikitang “way out” ng mga kakampi ng Kapamilya Network ay ang People’s

Initiative na tinawag nilang PIRMA Kapamilya. Pero suntok sa buwan ito. Para bang ayaw tanggapin ang naging desisyon ng Kongreso? (Ever heard of accepting defeat in humility and magnanimity?- Ed.?).

Bakit kanyo? Una, kailangan nilang makakalap ng 7 million signatures (at least 10% of registered voters).

Take note: Registered voters, ha? Hindi kung sinu-sino ang ang papipirmahin.

Pangalawa, kailangang may 3% signatures ng registered voters in EACH legislative district.

In short, para silang dadaan sa butas ng karayom.

Isa pang pag-asa nila ay sa 2022.

Kapag ang mga ihahalal na mga bagong mambabatas ay papabor sa apela ng kumpanya.

Two years away pa ito. Kaya pa bang maghintay nang ganoon katagal?

Marami ang hindi na nakapaghintay. Lalo na’t may mga bagong shows ang third biggest player sa television: ang Kapatid Network, TV5.

Sa isang recent online press conference, inanunsyo ni TV5 President and Chief Executive Officer Robert Galang ang bagong entertainment lineup nila.

“We have so many developments happening now in TV5, which will have tremendous implications on the network’s programming. As all of you know, the broadcasting industry isexperiencing a major transformation and the changes that we are seeing now have left many Filipinos hungry for entertainment options,” sabi ni Galang.

At inilahad na nga ng TV5 ang mga bagong shows nila:

“Chika, BESH! (Basta Everyday Super Happy).” Morning show ito with Ria Atayde, Pauleen Luna and Pokwang. “Fit for Life” ay isang fitness show with Jessy Mendiola. “Usapang Real Life” ay isang talk show with Luchi Cruz-Valdez. Balitang sina “Darna” Jane de Leon at Karen Davila ang unang guests dito.

“Bawal na Game Show” bagong game show ito kasama ang “Eat Bulaga” hosts Wally Bayola and

Paolo Ballesteros. “Fill in the Bank” naman ang show nina Jose Manalo at Pokwang (yes, siya pa rin!).

“Bangon Talentadong Pinoy” ang new talent show to be hosted by Ryan Agoncillo.

Teka, walang Kris Aquino? Hindi nakasama sa announcement ang “Love Life with Kris” dahil balitang na-cancel na naman ito.
Good luck sa mga bagong shows, Kapatid Network! (BEN BANARES)

Related posts

Leave a Comment