UPDATED TESTING AT Q PROTOCOLS INILATAG NG IATF

0

INAPRUBAHAN at nagbigay ng updated report ang Inter-Agency Task Force (IATF), ukol sa testing at quarantine protocols para sa international arriving passengers na manggagaling mula sa “Green” at “Yellow” List of countries/ territories/jurisdictions epektibo, Oktubre 8, 2021.

Ang mga fully vaccinated individuals na manggagaling mula sa “Green” o “Yellow” List ay kailangan na sumailalim sa facility-based quarantine hanggang sa mapalabas ang kanilang negative RT-PCR testing na kinuha sa ikalimang araw.

Kailangan din na sumailalim ang mga ito sa home quarantine hanggang sa ika-10 araw, ang unang araw ay ang araw ng kanilang pagdating sa bansa.

Sa kabilang dako, ang mga unvaccinated, partially vaccinated, o indibidwal na ang vaccination status y “cannot be independently verified” o kumpirmado bilang valid o authentic ng mga awtoridad na nagmula sa “Green” o “Yellow” List ay required na sumailalim sa facility-based quarantine hanggang sa maipalabas ang kanilang RT-PCR testing na kinuha noong ika-pitong araw.

Required ang mga ito na sumailalim sa home quarantine hanggang sa kanilang pang-14 na araw, ang unang araw ay ang araw ng sila ay dumating sa bansa.

“For both instances, the Bureau of Quarantine (BOQ) shall ensure strict symptom monitoring while the individuals are in the facility,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.

Sa kaso naman ng foreign nationals, required ang mga ito na mag-secure ng kanilang pansariling pre-booked accommodation “at least 6 days” para sa mga fully vaccinated; at “at least 8 days” naman para sa unvaccinated, partially vaccinated, o indibidwal kung saan ang vaccination status “cannot be independently confirmed as valid or authentic by our authorities coming from “Green” or “Yellow” List.” (CHRISTIAN DALE)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment