USEC BADOY MAY P39-M PONDO LABAN SA MILITANTENG GRUPO

MAY sariling pondo umano sina Presidential Communications Operations Office (PCOO) Undersecretary Lorraine Badoy at Gen. Antonio Parlade Jr., sa pagpapakalat ng fake news laban sa mga militanteng grupo.

Natuklasan ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas sa pagdinig ng House committee on appropriation sa pondo ng Office of the President na nagkakahalaga ng P8.238 billion na bukod ito sa P16 billion umanong “general’s pork” sa ilalim ng National Task Force to End to Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

“Malinaw na bukod sa P16-billion Barangay Development Program fund na generals’ pork, mayroong multi-million personal lump sum ang secretariat ng NTF-ELCAC na ngayo’y nalaman natin na nasa P39.27 million. We can presume that these are the direct funds for NTF-ELCAC spokespersons Antonio Parlade Jr. and PCOO USec. Lorraine Badoy, who are very rabid in spreading lies and accusations against the Makabayan bloc,” ani Brosas.

Ayon sa mambabatas, hindi idinetalye kung saan gagamitin ang nasabing halaga kaya nangangamba sila na pondo ito nina Badoy at Parlade upang paigtingin ang pagpapakalat ng walang basehang alegasyon at fake news sa mga kritiko ng administrasyon.

Dahil dito, iginiit ng mambabatas na i-realign ang pondong ito sa kampanya laban sa COVID-19 upang mailigtas ang maraming buhay imbes na gamitin ito sa pagpapakalat umano ng fake news nina Badoy at Parlade.

“Dapat na i-realign itong P39.27 million sa procurement ng face masks sa halip na waldasin na naman ng NTF-ELCAC Secretariat para sa walang humpay nila na red-tagging at terrorist tagging laban sa mga progresibo,” ani Brosas.

Samantala, kinuwestiyon naman ni Bayan Muna party-list Rep. Ferdinand Gaite ang P4.5 billion na intelligence funds ni Pangulong Duterte dahil sa kawalan umano ng ideya ng OP hinggil sa Chinese companies na sangkot sa reclamation activitites ng China sa West Philippine Sea (WPS) na gumagawa ng proyekto sa Pilipinas.

Hindi matanggap ni Gaite ang pahayag ni Executive Secretary Salvador Medialdea na tanging sa mga news report lamang nito nalaman na ang mga Chinese company na may kontrata sa Pilipinas ay sangkot sa reclamation activities sa WPS.

Ayon kay Gaite, sa laki ng intelligence funds ng OP, dapat alam nila ito lalo na’t may gusot sa pagitan ng dalawang bansa dahil sa WPS. (BERNARD TAGUINOD)

33

Related posts

Leave a Comment