Sinimulan sa Wawa Dam sa Montalban, Rizal “SAVE OUR FORESTS NOW’ NI CONG. NOGRALES UMARANGKADA NA”

NI: JOEL AMONGO

SINIMULAN na noong Sabado ng hapon, Disyembre 12, ang Save Our Forests Now ni 2nd District Cong. Fidel Nograles kasama ng college students mula sa tatlong state college at universities ng
Montalban, Rizal.

Kasama na nagtungo dakong ala-1:00 ng hapon sa Wawa Dam sa Montalban, Rizal ang mahigit sa 200 mga estudyante mula sa Colegio de Montalban, University of Rizal System at San Mateo Municipal para isakatuparan ang proyekto ni Cong. Nogales na tree planting na pinamagatang ‘Save Our Forests Now’.

Nasa 1,000 piraso ng bamboo trees ang itinanim ng mga estudyante ng nasabing tatlong state college at university kasama ni Cong. Nograles sa gilid ng Wawa Dam na bulubundukin na sakop ng bayan ng Montalban.

Sa panayam kay Celso Callo, staff na katiwala sa nasabing proyekto, ang okasyon ay bahagi ng programa ni Congressman Nograles na sustainable development program na makatutulong sa pagpigil sa pagrasa ng tubig ulan mula sa kabundukan, maproteksyunan ang kalikasan at makaambag sa ating susunod na mga henerasyon.

Nanawagan si Callo sa mga residente ng Brgy. San Rafael na nakasasakop sa kinaroroonan ng Wawa Dam na makiisa sila na proteksyunan ang kalikasan at pangalagaan ang kapaligiran.

Nagpasalamat din si Callo sa mga estuyante sa tatlong paaralan ng gobyerno sa kanilang pakikiisa sa programa ni Cong. Nograles na ‘Save Our Forests Now’ at hinikayat din niya ang iba pang mga
mag-aaral at mga kabataan na sumama sa kanilang proyektong pagprotekta sa kalikasan.

Sinabi pa ni Callo na simula pa lamang ito sa kanilang ginawang

tree planting at magsusunod-sunod na ito sa mga darating pang buwan.

Ayon naman kay Jervie Juyad, 3rd year ng Colegio de Montalban, first and foremost ay naatasan at binigyan sila ng pribilehiyo para maisakatuparan ang isa sa mga magandang adhikain ni Cong. Nograles na bilang mga iskolar ay maibalik nila sa mambabatas bilang tulong din nila para sa ikagaganda ng kalikasan – ang pagtatanim nila ng bamboo trees.

Aniya, ang ‘Save Our Forests Now’ ni Cong. Nograles ay malaking tulong sa paligid ng Sitio Wawa kung saan matatagpuan ang Wawa Dam dahil ito ang magbibigay ng proteksyon sa kabundukan na naka- ‘SAVE OUR FORESTS NOW’ NI CONG. NOGRALES UMARANGKADA NA San Isidro, Montalban ay nakiisa siya sa tree planting para makatulong sa mga tao at kalikasan.

Sinang-ayunan din ni Diovani Olog, tauhan ng Department of Environment and Natural Taytay, Rizal na nakatalagang rescuer sa mga naliligo sa Wawa Dam, na malaking tulong ang tree planting ni Cong. Nograles sa lugar.

Sang-ayon din siya na kapag tumubo na ang mga itinanim na bamboo trees ng kampo ay makatutulong para hindi bumagsak ang mga lupa mula sa mga bundok patungo sa naturang dam sakaling may masamang panahon o anomang pangyayari.

179

Related posts

Leave a Comment