16 MILYON FILIPINO ANG DAPAT IRESPETO

“AND this one, I strongly urge Congress to pass a law es­tablishing the Department of Overseas Filipinos [focused] solely on addressing the concerns of Filipinos abroad and their families.

I reiterate the swift passage, Kawawa kasi itong ating mga overseas.

If it’s only an office there in the Labor department they are overworked or for whatever reason, their needs, their pleas are not really attended to with dispatch and with care.

I will go for it. We will need it to help them.”

Ito ang parte ng talumpati ni Presidente Rodrigo Duterte sa ginanap na State of the Nation Address kahapon sa ­kongreso.

Maituturing na maikli lamang ang pahayag na ito, ngunit tila ito ay may ngipin at mahigpit na tagubilin sa Senado para tuluyan nang talakayin at isabatas ang nakabinbin na Department of Overseas Filipinos.

Nuong nakaraang Marso ay naipasa ng mababang kapulungan ang House Bill 5832 na may titulong Department of Filipinos Oveseas (DFO) Act. Ngunit ito ay nabinbin lamang sa komite ni ­

Senator Joel Villanueva. Ngunit nitong nakaraang lingo ay napabalitang personal nang kinausap ni Senator Christopher Bong Go si Sen. Villanueva upang ipakiusap na tuluyan ng tapusin at ipasa ang panukalang batas para maipadala na sa Malacanang at tuluyang maging batas.

Maging hudyat sana ito para tuluyan ng ­balangkasin ng Senado ang matagal ng kahilingan ng mga OFW sa pagkakaroon ng sarili nitong departmento na nakatutok para sa ­kapakanan at karapatan ng mga Overseas Filipinos.

Kahapon ay labis-labis ang kaligayahan ng mga OFW leaders kabilang ang AKO OFW dahil sa pagkakataon na maimbitahan na maging tagapanood sa SONA bagaman sa Zoom lamang.

Importante kasi ito para sa mga OFW dahil ito ay isa lamang pagpapahiwatig ng tunay na pagmamahal at pagmamalasakit sa kapakanan ng mga OFW. Kaya hindi nakapagtataka kung bakit labis-labis ang ipinakikitang pagmamahal at suporta ng mga OFW sa gobyerno ni Presidente Duterte.

Maaaring maraming nagagalit at bumabatikos sa Pangulo, lalo pa ngayon na tila kaliwa at kanan na ang nagsusulsol sa mga mamayan dahil sa isyu ng ABSCBN Franchise, Anti-Terror Bill Law,

anomalya sa PhilHealth at mga isyu ukol sa Social Amelioration Fund.

Ngunit dapat alalahanin ng kabilang grupo na si Presidente Duterte ay pinagkatiwalaan ng 16 ­milyong Filipino. Kung kaya, kung hindi nila magawang respetuhin ang pangulo, ay dapat na respetuhin naman ang kagustuhan ng 16 na ­milyong Filipino na patuloy na nagtitiwala at sumusuporta kay Pangulong Duterte.

Tutal naman ay malapit nang Halalan sa Mayo 2022 at tiyak na simula pa lang ng buwan ng Disyembre ay tiyak na magpaparamdam na ang mga nagnanais na kumandidato, kaya duon na lamang

ibuhos ang kanilang galit at ang sinasabing hangarin na pagbabago.

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa akin sa e-mail addresssaksi.ngayon@gmail.com o drchieumandap@yahoo.com o tumawag sa  (02)84254256.

 

AKO OFW Ni DR CHIE LEAGUE UMANDAP
83

Related posts

Leave a Comment