APELYIDONG REYES, MAY POSIBILIDAD NA MAGING SUSUNOD NA CJ SA SC

PRO HAC VICE

Ayon kasi sa mapagkakatiwalaang source ng inyong lingkod na bagama’t most senior justice si Associate Justice (AJ) Diosdado Peralta ay may problema umano ito at malabong i-appoint ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang susunod na Punong Mahistrado ng Supreme Court. Ito ay dahil sa bukod sa ayaw sa kanya ng mga taga-San Beda na malapit kay Pangulong Duterte ay mayroon itong dalawang drug case na pinonte at na-turn off si Pangulong Duterte.

Paliwanag ng source na alam naman kasi ng lahat ng Pinoy na ang ilegal na droga ang pangunahing programa ng pangulo na mawala sa bansa pagkatapos mayroong ganoong desisyon si Justice Peralta.

Sa dalawang drug case na niresolba kasi ni Justice Peralta ay mistulang pinalagan nito ang pagnanais ni Duterte na tuluyang mabura ang kalakalan ng ilegal na droga sa bansa.

Una ang Salvador Estipona Case na nagpapahintulot sa plea bargaining agreement sa mga akusado na umamin sa mas mababang kaso sa ilegal na droga na naging sanhi ng paglaya ng mga drug convicts.

Nitong nakaraang Lunes ay tuluyan nang isinara ng Judicial and Bar Council ang pagtanggap ng mga aplikasyon at nominasyon para sa posisyon ng susunod na chief justice ng SC.

Pangalawa ay ang People of the Philippines vs. Romy Lim na nagbabasura sa kaso dahil lamang sa nagkulang sa pangangalaga sa mga nakumpiskang illegal drugs na ebidensya laban sa akusado na nagpapahirap naman sa mga awtoridad at piskal dahil nababasura ang kanilang isinampang kaso laban sa isang respondent dahil lamang sa teknikalidad.

Ang susunod sa hanay na sana’y ikalawang babaeng SC Chief Justice kung hindi nakulayan na dilawan.

Ayon sa source, na-turn off din umano ang Malacañang kay AJ Estela Perlas-Bernabe dahil bumoto ito laban sa inihaing quo warranto case ng Office of the Solicitor General na nagpatalsik naman kay dating SC CJ Ma. Lourdes Sereno.

Kaya ‘yung dalawang Justice Reyes ng SC ay mayroong tsamba na maging susunod na Chief Justice ng SC o Supreme Court dahil sa umano’y malabo ‘yung dalawang mas Sr. AJ na sina Peralta at Bernabe.

Kung pagbibigyan aniya ni Pangulong Digong si Andres Reyes Jr. na maupong punong mahistrado ng Korte Suprema ay maglilingkod ito ng pitong buwan.

Samantalang kung si AJ Jose Reyes Jr. naman aniya ang mapusuan ni Pangulong Duterte ay mayroon itong 10 buwan upang maglingkod siya bilang susunod na Chief Justice ng SC o Supreme Court.    (Pro Hac Vice / BERT MOZO)

250

Related posts

Leave a Comment