BAKIT HINDI GINAGASTOS?

NAKAKATUWA kapag ang isang pamilya ay nagtitipid dahil meron silang mahuhugot na pondo kapag panahon ng kagipitan at meron silang magagamit sa mas mahalagang bagay kesa sa mga kapritso lang sa katawan.

May pag-asa namang mas lumago pa ang isang kumpanya kung meron silang natitipid sa kanilang income at iwasan ang mga gastusin na hindi naman importante sa kanilang negosyo.

Pero kapag ang gob yer no ang nagtipid, hindi nakakatuwa dahil kapag nagtipid sila, parang pinagkakaitan nila ng serbisyo ang taumbayan at hindi sila nakakatulong sa paglago ng ekonomiya.

Matagal na nating naririnig ang ginagawang pagtitipid ng mga ahensya ng gobyerno pero hindi naman natin nakikita at nararamdaman kung saan ginagamit ang kanilang natipid.

Isang halimbawa ng pag ti tipid ng gobyerno ay ang hindi paglalagay ng mga tao sa mga regular na posisyon sa estado kahit pinopondohan ito ng Kongreso taon-taon. Hindi ko yun maunawaan.

Noong 2020, umabot sa 180,000 regular positio n sa mga ahensya ng gobyerno ay hindi nilagyan ng tao kahit may pondo na ito at patuloy na pinopondohan ng Kongreso taon-taon.

Sa Department of Public Works and Highways (DPWH), 22,479 ang regular position na mayroon ang ahensya pero 17, 739 position lang ang nilagyan ng tao samantalang sa Department of Education (DepEd) ay mayroong 43,780 bakanteng posisyon ang ayaw lagyan ng tao.

Ang Department of Health (DOH) ay kasama sa mga nagtitipid dahil hindi nila nilagyan ng tao ang 14,553 bakanteng posisyon kaya kulang sila ng puwersa nang manalasa ang COVID-19 pandemic.

Isa din sa masyadong matipid kahit binigyan ng pera para gastusin para sa mga tao ay ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) dahil noong 2020 umaabot sa P83 Billion ang pondo na hindi nila nagastos.

Lahat ng pera o pondo sa DSWD ay nakalaan sa pagtulong sa mamamayang Filipino pero bakit hindi nila ginastos ang pera para sa mga tao? Sayang, ang dami sanang natulungan.

Hindi ko rin maunawaan kung bakit hindi ginastos ng DOH ang P3 Billion na pondo para ipambili ng mga Personal Protective Equipment (PPE) ng mga medical frontliners.

Available ang pondong ito noong Marso at Setyembre 2020 pa pero hindi ginamit sa hindi malinaw na kadahilanan gayung maraming frontliners ang gumagastos ng sarili nilang pera para maprotektahan ang kanilang sarili habang inaasikaso ang mga COVID-19 patients sa mga ospital.

Noong nakaraang taon, kung hindi sa mga pribadong grupo na nagtulong-tulong para mamigay ng mga PPE sa mga medical frontliners ay baka mas marami sa mga doctor, nurse at iba pang hospital staff ang tinamaan ng COVID-19.

Yan ang dahilan kaya naglaan ng pondo ang Kongreso sa ilalim ng Bayanihan 1 at 2 para bumili ang DOH ng PPEs para sa mga medical frontliners pero hindi ginamit ang pondo?

Siguro kung hindi ito pinondohan ng Kongreso, mangangatuwiran ang DOH na wala kaming pondo para dyan pero kapag binigyan ano naman kaya ang kanilang ikakatuwiran?

Dahil hindi libre ang PPE, isinasama ng hospital sa medical bill ng mga pasyente, hindi lamang sa mga COVID-19 patients kundi sa lahat ng pasyente ang isinusuot na PPE ng mga doctor at nurses na nag-aasikaso sa kanila. Hindi na kayo naawa?

81

Related posts

Leave a Comment