BAKIT MAPULITIKA SA PINAS?

MULA noong panahon ni dating Pangulong Fidel Ramos, halos taon-taon ay tinatangkang amyendahan ang 1987 Constitution pero taon-taon ding itong nabibigo.

Tuwing may bagong Kongreso, meron at ­merong naghahain ng panukalang batas na pag-isahin ang dalawang kapulungan sa ilalim ng Constituent Assembly (Con-Ass) para ang mga mambabatas na lang ang mag-amyenda sa ­konstitiusyon at hindi ma­laki ang gastos.

Meron namang nag-hahain ng panukala na ­maghalal ng mga kinatawan ng Constitutional Convention (ConCon) para sila ang bumuo ng bagong “bibliya” ng Pilipinas at maiwasan ang partisan politics at hindi mangibabaw ang interest ng mga pulitiko sa bagong saligang batas.

Tulad ng Con-Ass, hindi rin umuubra ang ConCon proposals dahil ang katuwiran ng mga kontra sa Charter Change (Cha Cha) ay hindi pa man umuusad ang panukala ay nasisira na ang kamada dahil ang takot nila ay term extension ng mga nakaupong halal na opisyales.

Ang problema kasi, saka tinatangkang amyendahan ang Saligang Batas kapag patapos na ang termino ng nakaupong Pangulo kaya hindi ko rin masisisi ang mga kontra sa Cha Cha.

Pero ang 1987 Constitution ang pangunahing dahilan kung bakit mapulitika sa Pilipinas at halos walang nagagawa ang mga pulitikong inihahalal natin dahil sa iksi ng kanilang panunungkulan.

Bukod sa pangulo, pangalawang pangulo at mga senador, tatlong taon lang ang isang termino ng isang halal na opisyal at meron silang karapatan na tumakbo ng hanggang tatlong beses kaya suma total, 9 na taon.

Pero kapag nahalal na ‘yan, ang kalahati sa 3 taon ay nauubos sa pulitika para paghandaan ang susunod na eleksyon at para matiyak na mahahalal siya sa nati­tirang 2 termino.

Dahil dyan, mapulitika sa ating bansa kasi mas inuuna ng mga halal na pulitiko ang sariling interes at nakakalimutan ang pangako nila sa mga bumoto sa ­kanila na maayos na serbisyo.

Hindi mo rin sila masisisi dahil sa laki ng gastos nila sa kampanya. Itinaya nila ang kanilang ­kabuhayan para manalo kaya ­titiyakin nila na matapos ang kanilang termino at mahalal ulit dahil ang posisyon ay karangalan din sa kanila.

84

Related posts

Leave a Comment