BAKIT MAY NANGGUGULO?

FOR THE FLAG
0

KASAMA po ang bawat isa sa atin sa digmaan laban sa droga, katiwalian sa pamahalaan, terorismo, krimina­lidad at iba pang mga ilegal na aktibidad. Bawat Pilipino po ay kasali, walang hindi apektado. Hindi na pwedeng magkibit-balikat ang mga mamamayan dahil ang digmaan ay kasama sila.

Umaalma na ang mga kampon ng kadiliman at pinapatay nila ang mga i­nosenteng Pilipino. Nais nilang huminto ang administrasyon sa pagtugis sa mga masasamang-loob na nakapaloob sa mga komunidad at mismong sa pamahalaan.

Wala silang awang pumatay ng mga inosente para guluhin ang kampanya ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte. Nasasaktan ang kanilang ilegal na ­ne­gosyo at nabubulgar naman ang mga kabulastugan sa pamahalaan.

May mga hotline ang pamahalaan kung saan maaaring i-report ang mga kahina-hinalang mga galaw ng mga masasamang ­elemento. I-dial lamang ang 8888, ayon na din sa pangulo upang maipaalam mismo kay PRRD ang mga masasamang gawain na ating nasasaksihan sa ating mga komunidad at sa mga kawani ng gobyerno.

Doble agresibo na din ang isinasagawang pagre-recruit sa mga samahang underground na naghahasik ng gulo sa iba’t ibang parte ng bansa.

Mahalaga ang anumang impormasyon, kinakailangan ang mga ito ng gobyerno upang manaig ang mabuti laban sa masasama.

Masyado nang mura ang buhay sa Pilipinas, at kung hindi natin isasaayos ang lahat ngayon sa pamamagitan ng isang pangulong masigasig, tapat at itinataya ang kanyang sariling buhay ay kailan?

Suportahan natin ang ating pamahalaan sa pamamagitan ng pagpapakalat ng mga tamang impormasyon na makakatulong at makaka-inspire sa ating mga frontliner sa digmaan laban sa droga, terorismo, korapsyon at katiwalian.

Sinimulan na ang pagbabago ngayon, at kung ang mabubuting Pilipino na nasa milyon-milyon ang bilang ay magiging masigasig din sa pagtulong sa pamahalaan ay hindi malayong magtagumpay ang mga mithiin ng pamahalaan at masisigurado nating isang maayos na bansa ang maipapamana natin sa mga susunod na mga henerasyon na mga Pilipino.

Hindi na maaari ang kanya-kanya, iisa na tayo, mga kawal ang bawat ma­buting Pilipino laban sa mga masasama. Samahan na rin natin ng dasal sa Maykapal na tulungan tayong magwagi sa digmaan laban sa kasamaan. (FOR THE FLAG / ED CORDEVILLA)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment