BASURA SA PABAHAY 2000

Misyon Aksyon

Misyon Aksyon, sana maaksyunan ng mga taga-Department of Environment and Natural Resources San Jose Del Monte (SJDM) at kapitan ng Barangay Muzon, Bulacan City, ang problema ng mga residente ng Pabahay 2000 dahil kapag malakas ang ulan ay sumasabay na umaagos ang mga ba­sura patungo sa creek. Dahil dito, nagi­ging sanhi ito ng pagbabara at pagbaha sa naturang lugar.

Mula pa po nang mailipat ang mga nai-relocate, hindi pa nade-declog ang mga imburnal na kanilang inilagay.

Isa pa, ang mga asong gala na dumudumi sa madaling araw na animo’y nakikipagpatintero ka para iwasan lalo na kapag nagmamadali kang pumasok at baka maapakan.

Napakaraming asong gala ang nagkalat na pinababayaan ng mga may-ari.

Sana po matulungan n’yo kami na masolusyunan ng Barangay Muzon dahil napakalaki ng kanilang IRA (Internal Revenue Allotment) pero wala namang magandang proyekto at sa city pound ang SJDM Bulacan.

Mga Sir/Madam pakisama na ninyo ang mga asong gala sa Pabahay 2000 sa gagawin ninyong Mercy Killing sa mga asong nasa pangangalaga ninyo.

Umaasa po kami na mabibigyan ito ng aksyon.

~Mr. Popo

Kalsada ng Nabua, CamSur nagkalat ang dumi ng aso

Misyon Aksyon, pakikalampag naman ang bayan namin sa Nabua lalo na po sa palengke. Maging ang convenience store na 24/7 bukas, makikita ang sandamakmak na nagkalat na mga basura na malinaw na lumalabag sila sa Clean Air Act at marapat na mapatawan ng kaukulang parusa.

Kapag kinuha naman ng trak ng basura, ay parating may naiiwan dahil hindi nila kayang mahakot sa rami at  hindi nila ito binabalikan.

Sana ay maaksyunan ito ni Mayor Fer Simbulan dahil kapag bumabaha grabe ang basura. Dati makikita mo ang creek na napakalinis ang tubig ngunit ngayon ay wala kang makikita kundi palutang-lutang na mga basura.

Lalo na po iyong creek o irrigation sa Barangay San Juan at San Antonio sa may Diversion Road ‘di na maubus-ubos ang basura kaya mga palayan puno ng basura.

Misyon Aksyon, sana matulungan ninyo kami na malinis din ang lugar namin, hindi lamang sana sa Metro Manila nakatutok sa paglilinis.

~Nene.

Tinatawagan ng pansin: Mayor Arthur Robes Sir, pakikastigo naman po ang mga opisyal ng barangay sa Pabahay 2000. Wala na raw magandang proyekto ang nasabing kapitan. At kay Mayor Fer Simbulan, panahon na siguro na umaksyon na kayo sa problema na inyong nasasakupan.  (Misyon Aksyon / Arnel Petil)

87

Related posts

Leave a Comment