BBM-SARA TANDEM, ‘DI KAYANG TIBAGIN

SA kabila ng pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 cases sa bansa ay abala pa rin ang BBM-SARA UniTeam upang matugunan ang ilang pangunahing pangangailangan ng ating mga kababayan na dumaranas pa rin ng kahirapan mula noong ­manalasa ang pandemya.

Kasabay nito ay nanawagan si Presidential ­aspirant Bongbong Marcos sa pamahalaan na maglaan ng pondo upang ­matulungan ang ating mga kababayang manggagawa na dagdag pasanin pa sa kanila ang halaga ng RT-PCR test lalo na sa panahong ito na patuloy na gumagapang ang ekonomiya sa ating bansa.

Samantala, tila supalpal itong si Manila Mayor Isko Moreno kay Vice Presidential aspirant Sara Duterte Carpio sa ambisyon nitong makipag alyansa sa kanya, na tinanggihan ni Inday Sara at iginiit na hindi ito makikipag-alyansa kay Yorme dahil ang sambayanang Pilipino ay nagkakaisa at naniniwalang magiging matagumpay ang team upang ipagpatuloy ang nasimulan ng Duterte administration at ang paglaban ng susunod na pamahalaan upang maibangon ang ating ekonomiya.

Anong klaseng lider kaya itong si Yorme at tila ­iniwanan sa ere ang kanyang ka-tandem na si Doctor Willy Ong?

Nakapagtataka naman itong si Vice President Leni Robredo na sa kabila ng hindi pagpatol sa kanya ni BBM sa kanyang mga ­patutsada ay tila hindi matahimik ang kanyang kaluluwa sa kanyang pahayag sa media na dapat lang aniya na muli niyang talunin si BBM ngayon sa pagkapangulo upang ma­tapos na ang isyu na hindi ito ­nandaya noong 2016 election.

Huwat? Aba bakit tilaok nang tilaok ang Ale, ito kaya ay kinakabahan sa resulta ng surveys ngayon? ­Madam, hindi mo masisisi ang taumbayan sa tiwala at pagkakaisa kung sino ang nais nila na susunod na lider ng bansa.

Para sa inyong sumbong at reaksyon, maaaring i-text ako sa 09158888410.

(ANG mga ipinapahayag sa kolum na ito ay ­sariling opinyon ng sumulat at hindi ­saloobin ng pahayagang SAKSI Ngayon – Patnugot)

Related posts

Leave a Comment