BELGICA, MUNTIK NANG SAKMALIN NG BUWAYA

0

TILA walang pangil ang isinagawang inspeksyon ni Anti Red Tape Authority (ARTA) Director General Jeremiah Belgica sa Bureau of Immigration matapos itong maglibot sa mga tanggapan ng ahensya.

Kasama ni Belgica ang kanyang mga tauhan na tila Boyscout pa lamang sa pagsasagawa ng imbestigasyon sa mga napapabalitang katiwalian sa ahensya.

Sinalubong din siya ng isang tinaguriang buwayang Hepe na siyang nagsilbing parang tourist guide.

Nagkaroon ng isang sandaling pagpupulong sina Belgica at mga Opisyal pati na rin ang inaabangang kanya kanyang selfie at plastikan na ang isa pang hepe ay nagbigay galang kuno.

Ano kaya ang kanyang sinabi?

“ANG KALBO BOW” kasama rin sa nagbigay galang sa kanya ang isang opisyal na si Enteng Kabisote at kanyang ipinakita sa mga tauhan ng ARTA ang pag proseso sa kanyang tanggapan ng mga papeles. Ngunit hindi nito pinakita kung paano sya sumingil sa travel agents ng 2k kada papel na kanyang pipirmahan.

Kung sa ganitong paraan ang ginagawang imbestigasyon ng ating pamahalaan paano pa kaya masusugpo ang katiwalian sa lahat ng ahensya ng pamahalaan Director Belgica Sir!?

Mr. Belgica Sir!! Anti Red Tape po ang pangalan ng inyong tanggapan at hindi Masking Tape.

Ok na sana Sir eh..

Bago pa man dumating si Belgica sa BI ay dinaga na ang dibdib ng ilang opisyal dito at mayroon ding isang hepe na nagsuot ng Jacket kahit napaka init ng panahon. Bakit kaya pinagpawisan ba ang kanyang bunbunan?

Nang dumating naman si Belgica ay tila akala mo ay may dumating na First Family sa dami ng Swat team escort nito. Agad din syang sinalubong ng magaling na Deputy Commissioner na si Atty. Tobias Javier.

Agad ding nasita ang isang Section Chief na si Macho Chiquito dahil sa paglalagay nito ng Cut Off para sa mga kliyente na kumukuha ng kanilang mga extension ng tourist visa na ito umano ay isang bawal ayun sa ARTA.

Samantala, ano na kaya ang aksyon ni BI Commissioner Jaime Morente laban sa Huayi Group Inc na siyang lumakad ng papeles upang makapasok ang pitong Chinese nationals kamakailan at bawiin ang Exclusion Order laban sa pito at siningil di- umano ng 2.4 million pesos para saan kaya ito at sinong mga Opisyal ng BI ang nakinabang?

Tila walang takot kay Pangulong Rodrigo Duterte maging kay DOJ Secretary Menardo Guevara at sa Office of the Ombudsman ang mga hinayupak na mga opisyal na gumawa nito.

Para sa inyong Sumbong at Reaksyon maari ninyo akong itext sa 09158888410.

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment