CAYETANO WALANG PUSO SA MAHIHIRAP!

0

KILALANG libangan lamang ng mga Pilipino ang sabong. Kumbaga, pampalipas oras lamang nila.

Kaya masaya na sila sa simpleng tupada kahit na maliit lamang ang pusta. Karamihan sa mga hackfight ay ginagawa sa mga probinsya.

May mga manok din kasi na hindi kayang lumaban sa hackfight sa mga sabungan. Kaya doon sila humahantong sa tupada.

Ginagawa nila ito, mairaos lamang ang hilig o libangan. Ang masama nga lang, illegal ito o bawal.

Maraming mga kababayan natin na nagsimula lamang sa pagiging backyard breeder noong araw. Bumibili ng paisa-isang manok na ­mumurahin sa mga komunidad.

Ngayon ay malayo na ang kanilang narating. Kaya nabibili na ng iba ang mga may lahi, mauuri at talaga namang may palo.

Gayunman, ang mga ganitong hilig ng mga Pinoy ay sinasalungat ng ilang mambabatas. Ayaw nila sa sabong o e-sabong.

Masama raw ito at nagugumon sa sugal ang ating mga kababayan.

Tahasang sinabi ni dating House Speaker Alan Peter Cayetano na kawawa ang Pinoy sa online gambling. Aba’y ubod na raw ng dami ang mga nahuhumaling sa online sabong.

Ang masakit daw, marami nang mga kababayan ang nalululong ngayon at nauubos na rin ang kabuhayan sa online gambling. Ibang klase rin naman talaga itong si Cayetano.

May napanood lang na ganito, ganyan… aba’y sinasabing lahat ay naghihirap na.

Ang mga katulad ni ­Cayetano ay tila walang puso sa mga mahihirap na umaasa lamang sa oportunidad na bigay ng sabong o e-sabong.

Itong si Cayetano ay hindi nararapat iboto sa eleksyon dahil hindi iniisip ng mamang ito ang kapakanan ng mga mahihirap nating kababayan.

Pwede naman nating alisin ang illegal na e-sabong sites pero huwag naman ang mga legal o sumusunod sa patakaran ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) at

nagbabayad naman ng ­tamang buwis sa gobyerno.

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment