CITY ORDINANCE 2016-88-06 PINATUTUPAD NG CTM-SCOG

Misyon Aksyon

Misyon Aksyon, isa po ako sa mga masugid na tagasubaybay ng inyong kolum sa Saksi Ngayon.

Residente ako ng San Jose Del Monte, Bulacan City. May isang pangyayari po kasi rito nang ipinatutupad ang RA 7160 ng ating gobyerno kung saan agad na inam­yendahan ng mga Konsehal ng Sangguniang Panlungsod ng San Jose Del Monte, Bulacan.

Ito ay para sa kapakanan ng serbisyo-publiko dahil sa dumarami ang bilang ng mga pampublikong sasakyan at mga mananakay na kaagapay ng pag-unlad ng bayan.

Isa ang Barangay Muzon sa mga inaprubahan kaya nabigyan ang VCR Realty Corporation ng karapatang magtayo ng isang maayos na terminal. Ang Muzon Transport Terminal ay pinondohan ng isang pribado at mabuting tao para sa kapakanan ng publiko.

‘Yong mga enforcer na naatasang ipatupad ang City Ordinance ay mina-masama ng mga komyuter dahil nani­nibago sa bagong patakaran. Sa mga terminal na inilaan na hindi sagabal sa trapik, kaya ang dating may pakinabang ay nawalan kaya nagkaroon ng gulo.

Katunayan, ang isang enforcer ay sinaksak pa ng anak ng may-ari na inuupahan sa terminal. Tuloy sa City Traffic Management Service Clearing Operation Group (CTM-SCOG) nabunton ang sisi kaya sila ang masama. Hindi po sa pinapaboran ko sila. Hindi gaano kalakihan ang kanilang sahod pero madidisgrasya pa.

Kung mabibigyan ninyo ng espasyo sa inyong pitak para ipara­ting sa publiko ang kanilang pagmamalasakit na mapaliwanag dahil kapakanan at kabutihan ng publiko ang nakapaloob.

Sa pangunguna po ng kanilang CTTMO Director na si Bobby Esquivel, mahigpit pong direktiba ng punong lungsod na si Mayor Arthur B. Robes na ipatupad ang nasabing Ordinansa ng DILG-DOTC na atas rin ng Pangulong Duterte.

Gaya ng kanilang masisipag na CTM-SCOG Project Manager na si Reynaldo Pasco at Asst. Manager Fernando Manuel, kahit buhay ay handang ibuwis basta maipatupad ang direktiba ng DILG na maging kombin­yente ang mga mananakay. Hindi ito balakid sa pag-unlad ng bayan. Kaya naman ang RA 7160 Section 485(5)V Resolution no. 2016-1317-06 lalo pang isinasakatuparan.

 

Gumagalang,

Concerned Citizen

 

Sa CTM-SCOG ang mga kawani ng CTTMO, saludo po ang Misyon Aksyon sa inyo. Mabuhay po kayo! At sa mga kababayan natin na mga taga San Jose, kaunting pang-unawa naman po dahil sa ikabubuti naman ng bawat panig ang mga proyekto ng ating mayor.

Hapi-hapi b-day Kiram Canapi sa Nov. 12, 2019 ng San Pedro, Laguna Office of the Mayor. Pagbati mula sa Misyon Aksyon at iyong mga kasamahan.

Bukas po ang aking kolum para sa inyong panig at kapaliwanagan. Note: Problema sa SSS, GSIS, Pag-IBIG homeowners at iba pa. Cellphone No. Smart 09420874863 / 09755770656 EMAIL ADDRESS: Misyonaksyon@yahoo.com / arnel_petil@yahoo.com / arnelpetil12@gmail.com. http://misyonaksyon.blogspot.com (Misyon Aksyon /  Arnel Petil)

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment