COMELEC MALFUNCTION?

FOR THE FLAG

Nag-malfunction ang may 600 vote counting machine (VCM) na nangangahulugan na maaaring umabot sa 500,000 na mga botante ang naapektuhan.

Kataka-taka ito samantalang dapat ay na-test na ang mga ito sa tagal ng panahong ibi­nigay sa poll body upang maihanda ang mga ito para sa May 13 election.

Hanggang alas-6:00 lamang dapat ang botohan ngunit dahil sa mga nag-malfunction na mga VCM ay napilitan ang Comelec na i-extend ang botohan sa ilang mga presinto.

Ang 600 na VCM ay hindi pa pinal na bilang, maaaring mas malaki pa rito ang bilang ng mga nag-malfunction na mga makina.

Malaki talaga ang disadvantage ng paggamit ng mga VCM na hindi gawa mismo sa Pilipinas kundi mga imported. Kung sa Pilipinas pa sana na-manu­facture ang mga ‘yan, pihadong hindi aabot sa ganyang aberya sa mismong araw ng halalan.

Ang importante rito ay maprotektahan ang integ­ridad ng halalan at wala sanang ma-disenfranchise na botante. Bawat boto ay mahalaga at sagrado.

Pinag-aralan na ng mga ekspertong Filipino na magkaroon sana ng sariling VCM ang bansa na mismong gawa sa Pilipinas, panahon pa ni Gloria Macapagal-Arroyo sa Malacañang ay may mga pag-aaral at proposal nang ganyan. Ngunit obviously hindi ikinonsidera at pina­kinggan. Bakit? Mawawala ang komisyon e.

Mawawala rin sana ang implikasyon na may foreign intervention sa ating halalan sa bansa dahil mismong sistema na natin ang gagamitin sana at wala nang foreign hand sa bilangan.

Sana ay ito ang tingnan ng Comelec na magkaroon na tayo ng sarili nating gawang mga VCM sa mga susunod na halalan. (For the Flag / ED CORDEVILLA)

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment