DAPAT MUNANG REPORMAHIN ANG BUCOR BAGO MAREPORMA ANG MGA PRESO NG NBP

SIDEBAR

Nasa kapangyarihan ng Office of the Ombudsman ang magsuspinde ng mga opisyal at empleyado ng pamahalaan na nakikitaan ng sapat na ebidensya para sa preventive suspension ng mula 90 hanggang 120 araw.

Walang duda na naka-monitor ang mga imbestigador ng Ombudsman sa isinasagawang pagdinig ng Senado hinggil sa maano-malyang pagpapalaya sa may 1,900 convicts sa ilalim ng Good Con-duct Time Allowance (GCTA)  na itinadhana sa Republic Act 10592.

Mismong si Ombudsman Samuel Martires ang nagpalabas ng 120-day preventive suspension sa 27 opisyal ng Bureau of Corrections na may kinalaman sa pagpalaya sa 1,900 na preso mula sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa.

Base sa anim na pahinang desisyon ng Ombudsman na may petsang Setyembre 9, nakitaan ng sapat na ebidensya ang 27 BuCor officials para sa salang “grave misconduct, gross neglect of du-ty and conduct prejudicial to the best interest of service” dahil sa serye ng mga kwestyunableng pagpapalaya sa 1,900 “heinous crime convicts” mula 2014 hanggang sa kasalukuyang taon.

Karamihan ng mga sinuspinde ng anim na buwan na walang sahod at benepisyo ay mga naka-assign sa Maximum Security compound ng NBP kung saan nakakulong ang high-profile inmates kabilang na si dating Calauan Mayor Antonio Sanchez na muntik na ring mapalaya dahil sa GCTA.

Kabilang sa sinuspinde ng Ombudsman sina Ramoncito Roque, BuCor Documents and Record Section chief; Corrections Senior Insp. Ma. Belinda Bansil at NBP Custodial Officer Veronica Buño.

Ang tatlong opisyal ng BuCor ang direktang idinawit sa “GCTA for sale scam” ni Yolanda Ca-millon matapos magbayad ito ng P50,000 para sa paglaya ng kanyang asawang si Godfrey Gam-boa noon sanang buwan ng Marso.

Kinumpirma ni Gamboa sa pagtestigo nito sa Senate committee on justice and human rights ang kalakaran ng pagbebenta ng GCTA sa BuCor at kahit magbayad ay walang kasiguruhang makala-laya gaya ng nangyari sa kanya.

Maliban kina Roque, Bancil at Buño, kabilang sa mga sinuspinde ng Ombudsman sina Benjamin Barrios, Supervisor, Board of Discipline, Maximum Security Camp; Gerardo Padilla, Chief, NBP Superintendent; Francisco Abunales, NBP, Superintendent; Celso Bravo, Officer-in-Charge, Di-rectorate for Security and Operations; Melencio Faustino, Regional Superintendent, Davao Pris-on and Penal Farm; Cherry Caliston, Chief, Documents Division, Davao Prison and Penal Farm.

Ruelito Pulmano, Inmate Documents and Processing Section; Emerita Aguilar, Chief, Refor-mation and Rehabilitation Office; Raymund Peneyra, Chief Overseer, Maximum Security Com-pound; at iba pa.

Inaasahang tuluyan nang malalansag ang sindikato ng GCTA sa BuCor at harinawa ay magka-roon ng tunay na reporma sa loob ng NBP na siyang kinakailangan bago ma-reporma ang mga preso sa Muntinlupa. Sana nga. (Sidebar / RAYMOND BURGOS)

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment