DEDIKASYON, HARD WORK NG NCRPO MEN ANG SUSI – GEN. ELEAZAR

EARLY WARNING

Imbes na ipagyabang ang nakuhang Best Regional Police Office award ng National Capital Region Police Office sa ginanap na 118th police service anniversary, mas binigyang pahalaga ni NCRPO Director PMajGen Guillermo Lorenzo T. Eleazar ang dedikasyon at hard work ng kapulisan kasama na ang limang police districts.

“I commend all the offi­cers, men and women of our different districts for a job well done. You do us proud and you inspire everyone to continue to raise the bar of excellence in the performance of your tasks, our tasks. I congratulate you all.”

Natural lang ang kanyang snappy salute kay Pangulong Digong: “I thank the President also for his raw wisdom. By raising our salaries and allowances, he gave us the chance to lessen the financial stress among our personnel, thereby improving every police officer’s productivity.”

S’yempre, ganun din ang pasasalamat n’ya kay ex-PNP chief at ngayo’y Sen. Ronald ‘Bato’ dela Rosa, current PNP chief PGen Oscar Albayalde, sa publiko sa kanilang kooperasyon at tiwala at lalo na sa media “who helped me project to our people, that hey, there is a new PNP evolving, one that will truly serve and protect you.”

DEPED OFFICIALS NASA HOT WATER

Kasong graft sa Ombudsman at napipintong lifestyle check ang kinakaharap ngayon ng ilang opisyal ng Department of Education (DepEd) sa pangunguna ni Dr. George Tizon, school governance operations chief sa Taguig City-Pateros area.

Sa ayuda ng kanilang abogado na si Noharddin Haron, inakusahan nina Nestor Ramos, Bernadeth Bautista, Ma. Leny Manaoat, Salome Castro, Joseph Son at Irma San Pedro, mga DepEd workers, si Tizon sa hindi pagdeklara nito ng kanyang mga ari-arian sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth.

Anila, gamit nito ang kanyang shareholdings sa Joy-Leigh Realty Holding Inc. bilang dummy upang maitago ang kanyang unexplained wealth.

Dagdag pa nila sa kanilang complaint, ‘untouchable’ daw ito dahil sa kanyang koneksyon sa mga Cayetanos ng Taguig.

Kasong graft din ang kanilang isinampa kina Dr. Carleen Sedilla, Dr. Romulo Rocena at iba pang bids and awards committee members sa kanilang pag-award ng kontrata sa ProAds Events Management, ang may-ari ng G3 Natural Hot Springs Resort na umano’y family-owned business ni Tizon. (Early Warning / ARLIE O. CALALO)

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment