DEHADO LAGI ANG POBRE

ALAM natin na kahit kailan ay hindi mababaliktad ang tatsulok para yung mga maliliit na mas nakakarami ay nasa ibabaw at yung mga kokonti naman ay siyag mapupunta sa ilalalim.

Hindi ito mangyayari dahil mabubuwal ang lipunan dahil kahit sa literal na tatsulok, hindi ito tatayo. Tutumba yan ng tutumba maliban lamang kung ito ay hahawakan para tumayo.

Mananatiling isang pangarap na lamang ang mabaliktad ang tatsulok pero ang gobyerno ay hindi dapat hayaan na manatili ang tatlusok sa lipunan.

Dapat gumawa ito ng aksyon para yung tatsulok ay maging ­parisukat kung saan ang mga tao ay maging pantay-pantay.

Tulad na lamang itong distance learning na ipinatupad para lang maituloy ang pag-aaral ng mga estudyante.

Tandaan natin, nagkaganito ang sistema natin sa edukasyon dahil sa covid-19 matapos na hindi pinigilan ng China ang pagkalat nito sa buong mundo kaya ngayon ay nagdudusa ang marami dahil sa pagiging iresponsable ng bansang ito.

Dehadong-dehado ang mga mahihirap na estudyante sa mga may kaya sa buhay pagdating sa distance learning kaya napag-iwanan na naman sila. Lagi naman ganun ang nangyayari.

Bakit? Dahil kumpara sa mga estudyante na may kakayahan ang mga magulang, ang mga mahihirap ay walang mga gamit sa pag-aaral tulad ng laptop at smartphone para matuto sila sa dapat nilang matutunan.

Sa pagtatanong natin sa mga probinsya, nalaman natin na puro sa text lamang ipinapadala ng mga guro ang kanilang mga lesson plan sa mga estudyante nila habang ang iba na may kaya ang mga magulang ay naka-video ang pagtuturo sa kanila.

Yung mga talagang mahirap ay tumigil na raw sa pag-aaral dahil kahit smartphone ay wala sila. Wala na nga silang pangload, magkakaroon pa ba sila ng smartphone man lang para sa kanilang pag-aaral?

Kaya nagtataka ako sa sinasabi ng Department of Education (DepEd) na 99% ng mga estudyante ay nakapasa sa

unang bahagi ng kasalukuyang school year 2020-2021. Paanong nangyari yun?

Ano naman ang natutunan ng mga estudyante kung mayroon man? Naging bihasa ba sila sa pagbabasa at pag-intindi sa kanilang binabasa? Nakapag-submit ba sila ng mga requirements para sila ay makapasa?

Paano yung mga estudyante na walang umaasiste sa kanila sa distance learning araw-araw dahil ang kanilang mga magulang ay kailangang magtrabaho para sila ay mabuhay? Kasama ba sila sa 1% na hindi nakapasa? Eh ang dami nyan ah!

Sa private schools puwede sigurong nakapasa ang mga estudyante nila kahit sa distance learning dahil mayroon silang yaya na umaasiste habang nagtatrabaho ang mga magulang nila.

Wala naman sigurong estudyante na naka-enroll sa private schools ang walang laptop? Kaya nga nilang magbayad ng napakamahal na tuition fee, gadgets pa kaya ang hindi kayang bilihin?

Mayroon din silang regular na internet connection kumpara sa mga pobre na nagpapaload lang at limitado ang oras nila at kokonti sila sa zoom room.

Kayang kaya silang tutukan samantalang yung mga nasa kabila ay napakarami sila pero iilan ang nasa zoom room.

Ang hirap talagang maging pobre ano po pero tulad ng sabi ko puwedeng ipantay ang mahirap at mayaman kung gusto ng estado.

48

Related posts

Leave a Comment