DEPENSA KAY NOYNOY

FOR THE FLAG

Nangialam na si Noynoy sa kaldero para sa SEA Games. Pwede naman daw maghanap ng mura bakit napunta sa mahal.

Nakalimutan lang naman ni Noynoy na P10 bil­yon ang ginastos sa APEC noong panahon niya.

May mga nagsabi tuloy na mga komento sa social media na kakaiba itong si Noynoy. Hindi po ganoon, huwag ganoon.

Hindi po kakaiba si Noynoy kaya nga kahit nakamasid lang ang mga nasa pamahalaan sa hostage-taking sa Luneta noon ng mga turistang Intsik ay natuloy pa rin sa malungkot na katapusan ang ­ilang oras na negosasyon. Ito ay napanood sa buong mundo.

Kung matatandaan din, matapos ang Super Typhoon Yolanda noon ay may mga ahensyang nagsabi na pinaghandaan ang bagyong ito ngunit negatibo pa rin ang kinahantungan.

Noong panahon ding yaon ay bilyun-bilyong piso ang donasyon ng iba’t ibang bansa at mismong budget ng pamahalaan para sa mga biktima ng Super Typhoon Yolanda ngunit negatibo rin ang kinasadlakan ng isyung ito.

Bukod dito, may higit sa P300 milyon na pawang mga donasyon mula sa iba’t ibang bansa at mula mismo sa loob ng bansa ay nadiskubre ng COA na nakadeposito lamang sa iba’t ibang bangko ng DSWD at hindi nagagamit para sa mga naging biktima ng Bagyong Yolanda. Nasa daan-daang milyong pisong halaga naman ng family food packs na para rin sa mga nasalanta ni Yolanda ang pawang pinabulok lamang sa mga warehouse.

Bilyun-bilyong piso rin ang nangawala at ang idinahilan ay padded ang listahan ng DSWD, ghost beneficiaries ‘ika nga at may mga double entry.

Sa panahon ding yaon ay lalong dumami ang mga pasugalan sa bansa, kaya walang mga plaka ang mga sasakyan at walang drivers’ license ang mga nagrehistro kahit taon nang mga nakapagbayad ang mga ito.

Noong panahong yaon, 2,000 container ay nangawala nang walang trace sa BOC. Ang balita e, higit pa talaga sa 2,000 container ang mga nag-disappear. (For the Flag /  ED CORDEVILLA)

71

Related posts

Leave a Comment