DUQUE SABLAY SA COVID-19 ‘2ND WAVE ISSUE’

PUNA

MINSAN na ring na-PUNA ng inyong lingkod itong si Department of Health (DOH) Sec. Francisco Duque III kamakailan sa kanyang pagsasabi na wala pa raw local transmission ng COVID-19 sa Pilipinas kahit na ang isang nagpositibo ay walang travel history abroad.

Natatandaan pa natin na ang kaso ng COVID-19 sa Pinas noon ay tatlo pa lamang at ang isa na nagpositibo ay hindi lumabas ng bansa, pero ipinipilit ng kalihim na wala pa raw local transmission sa atin.

Sabi tuloy ng tagasubaybay ng PUNA, saan nahawaan ang isang nagpositibo sa COVID-19 kung hindi naman siya nagbiyahe?

‘Di ba malinaw na local transmission?

Ibig sabihin, dito sa bansa natin nahawaan, ayaw lang aminin ni Sec. Duque ang totoong lagay ng coronavirus sa bansa na may local transmission na.

Makalipas ang dalawang araw, simula nang magsunod-sunod ang kaso ng Covid sa atin ay hindi na mapigilang lumabas ang katotohanan na sumingaw dahil sa social media.

Ngayon, heto na naman ang mabunying Kalihim ng Kalusugan na nang magisa sa Senado ay nagsabing nasa ‘second wave’ na ang bansa sa COVID-19.

Nagsimula raw ang first wave noong tatlo (3) pa lang ang kaso ng coronavirus sa bayan ni Juan at ngayon ay nasa second wave na nga raw tayo sa usapin ng pandemyang puminsala at patuloy na namiminsala sa buhay at ekonomiya ng mga bansa.

Pinuna ng marami ang statement ni Sec. Duque kabilang na si Spokesperson Harry Roque dahil hindi alam ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang pahayag ng kalihim ng kalusugan.

Maraming pumalag sa sinabi ni Duque at labis silang nagtaka bakit ganoon daw ang sinabi ng hepe ng DOH.

Si Sec. Duque ay kasama sa IATF at ang tanggapan niya ang nangunguna sa paglaban sa COVID-19.

Si Sec. Harry Roque, ang spokesperson ni Pangulong Duterte pati na rin ng IATF, kaya kung anong mga mahahalagang ‘statement’ na dapat iparating sa taumbayan ay siyang dapat nagsasabi gamit ang national television.

Kung hindi man siya ay si Pangulong Duterte na mismo ang nagbibigay ng mga importanteng pahayag sa taumbayan.

Tanong tuloy ng netizens, tama bang si Sec. Duque ang nagbigay ng statement sa lagay ng COVID-19 na hindi alam ng IATF at Pangulong Duterte?

Kung sinabi sana niya sa mga miyembro ng IATF at kay Pangulong Duterte, malamang hindi sana siya sumablay.

Sa kanyang ginawa, nagtaka ang maraming health workers at opisyales ng gobyerno.

Hindi sila makapaniwala sa sinabi ni Sec. Duque na nasa 2nd wave na ang bansa sa COVID-19.

Kumambyo na ang Health Department maging si Secretary Duque na wala pa raw ang 2nd wave ng COVID-19 sa halip ay gumamit na siya ng ibang pananalita para malihis ang isyu sa usapin na naglagay sa kanya sa balag ng alanganin.

Kahit ano pang sabihin n’yo mahihirapan na kayo makabawi, sana bago kayo nagbibitiw ng mga salita lalo na tulad n’yo na matatas ang posisyon sa gobyerno ay mag-isip munang mabuti.

Tanong tuloy ng lahi ni Juan, bakit pa raw nananatili si Sec. Duque sa DOH?

Matagal na raw pabalik-balik si Duque sa DOH. Wala na bang mahusay na manggagamot na tulad niya?

Baka raw kasi sa tagal na ni Duque sa serbisyo ay nakakalimutan na niya ang kanyang sinasabi?

Si Pangulong Duterte ang nakakaalam kung pwede pa o hindi na si Sec. Duque sa DOH.

Sa kanya nakasalalay kung may tiwala pa siya o wala na sa kalihim ng health department.

Ang mahalaga ngayon ay kung anong ikabubuti nating lahat.

Ang pag-iingat ay para sa ating lahat, hindi natin nakikita ang ating kalaban na virus.

Hangga’t wala pang bakuna at gamot laban sa COVID-19 ay mananatiling banta ito sa buhay nating lahat.

Stay @ Home at magdasal tayo sa Panginoon para lumipas na ang krisis na ito.

oOo

Para sa suhestiyon at reaksyon mag-email joel2amongo@yahoo.MINSAN na ring na-PUNA ng inyong lingkod itong si Department of Health (DOH) Sec. Francisco Duque III kamakailan sa kanyang pagsasabi na wala pa raw local transmission ng COVID-19 sa Pilipinas kahit na ang isang nagpositibo ay walang travel history abroad.

Para sa suhestiyon at reaksyon mag-email joel2amongo@yahoo.

Related posts

Leave a Comment