ESTRATEHIYANG PAMBANSA

FOR THE FLAG

(Huling bahagi)

Kailangang magkaroon ng national industrial strategy, i-harness ang talino at galing ng ating mga batikang scientist, engineer, artist at IT scientist.

Dalawang approach, mag-develop ng mga sari¬ling high-value products gamit ang Pinoy crea-tivity at bayanihan spirit na mag-inspire sa ating mga bihasa, at reverse engineering naman para makopya at ma-improve ang mga high-value products na nasa merkado.

Sa national security, bukod sa taunang procurement ng mga kagamitang pandigma, kina-kailangang i-regulate ang pagpasok ng mga banyaga sa bansa.

The fact na tatlong mil¬yon na ang banyagang Intsik sa Pilipinas at 5,000 ang pumapasok kada araw ay indikasyon na hindi aware ang liderato sa national security threat na maaaring kinal-alagyan na natin.

Masyadong okupado ang kamalayan ng mga Filipino sa politika kaya nami-miss nilang mabigyang pansin ang sitwasyong pangkabuuan.

Tuluy-tuloy na Build Build Build ay kailangan habang may pagbuwag na sa liberal democracy na nagpahina lamang sa ating mga institusyon. Patriotic democracy na ang nararapat na ideyolo-hiya ng bansa kung saan ang kapital ay hindi pinagsisilbihan bagkus ang siyang dapat nagsisilbi para sa diwa ng national survival strategy.

Ang digmaan kontra droga at korapsyon ay nararapat ding paigtingin dahil ang mga ito ang kalawang sa ating lipunan.

Ang NEDA o National Economic and Development Authority ay malaki ang gagam¬panang papel, ngunit nararapat na nakaangkla ang mga prinsipyo nito hindi sa kulob ng airconditioned office nila, kundi sa survival ng bawat Filipino. (For the Flag / ED CORDEVILLA)

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment