FACEBOOK

FOR THE FLAG

Isang namumurong kandidato para pagka-pangulo ng Estados Unidos ang nagbigay ng suhestyon na biyak-biyakin na ang kompanyang Facebook dahil na rin sa hindi ito umano masyadong nare-regulate.

Inakusahan ni Democratic presidential candidate Kamala Harris na inuuna ng Facebook ang kanyang paglaki at kita kaysa sa interes at kapakanan ng mga consumer.

Dapat umanong tingnan ang Facebook bilang isang public utility na hindi nare-regulate.

Maaalalang kamakailan ay binabatikos ang Facebook sa buong mundo dahil sa data sharing feature nito na nagagamit sa pagpapakalat ng hate speech at misinformation.

Nabatikos naman ang Facebook Philippines dahil sa pag-employ nito ng fact-checkers na kabilang o kilalang mga kritiko ng pamahalaan.

Sa ganang atin, tunay namang parte ng pang-araw-araw ng karamihan o milyun-milyong Filipino ang Facebook at tayo’y naniniwala na malaki ang role ng Facebook sa ating demokrasya.

Sumasalungat tayo sa proposal ni Harris, ngunit pabor tayong magkaroon ng mas makatotohanang pag-regulasyon sa nasabing social networking site.

Nakita naman natin ang malaking papel na ginampanan ng Facebook sa nakaraang political exercise, mismong mga kandidato ay gumastos ng malaking halaga para maipalawig ang kanilang kampanya gamit ang social networking site na ito. (For the Flag / ED CORDEVILLA)

200

Related posts

Leave a Comment