HEALTH SEC. DUQUE, DAPAT NANG MAGBITIW SA PWESTO

PRO HAC VICE

KUNG nais ni Department of Health Secretary Francisco Duque III na siya’y hangaan at irespeto pa ng publiko ay dapat na siyang magbitiw sa kanyang posisyon dahil sa mga kapalpakan at huwag na niyang hintaying sibakin pa siya ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

‘Yan ay kung mayroon pang natitirang dignidad si Sec. Duque, para ‘di rin siya maparatangang kapit-tuko sa puwesto.

Sa bansang Japan nga nagha-hara kiri ang mga opisyal nila kapag nasasangkot sa anomalya, pero rito sa ‘tin ang sagot ng mga opisyal na nasasangkot sa katiwalian, “‘di totoo ‘yan sinisira lang ako ng mga taong nasagasaan ko”. GANOON?

Tatlong mga kontrobersya po kasi ang ipinaparatang kay Health Sec. Duque.

Ang una ay ang kontrobersyal na anti-dengue vaccine na Dengvaxia vaccine na ayon kay Public Atty. Office (PAO) head Persida Rueda-Acosta na sangkot si Sec. Duque sa pagbili ng naturang killer na anti-dengue vaccine at si Sec. Duque pa umano ang tumutulong kay noo’y DOH Sec. Janet Garin upang bilhin at ipatupad ang pagbakuna ng kontrobersyal na Dengvaxia vaccine.

Ikalawa nang pahintulutan ni Sec. Duque na pumasok sa kontrata ang kanyang pamilya sa Philippine Health Insurance Corp. ng pamahalaan.

Na malinaw na mayroong mali sa naturang hakbang batay na rin sa isinasaad ng Republic Act 3019 o mas kilala sa tawag na Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Makaraang parentahan nila sa PhilHealth ang ilang bahagi ng pag-aari nilang building o gusali na matatagpuan sa Dagupan City ng mahigit sa kalahating milyong piso kada buwan.

Mismong si Senator Panfilo “Ping” Lacson pa ang nagsiwalat nito na hindi maitanggi ni Sec. Duque.

Pangatlo ‘yung maanomalyang daan-daang milyong pisong gamot ng DOH na itinatago lamang pala sa mga bodega ng DOH na hindi naipapamahagi sa mga health center hanggang abutin na ito ng pagka-expire!

‘Yan ay batay naman sa Commission on Audit report.

Alam mo, Sec. Duque, ang daming mahihirap na Pinoy na mga namamatay na lamang dahil sa walang gamot na naiinom para sa kanilang sakit, pero kayo hinahayaan ninyo lang na mabulok sa mga bodega ang mga gamot na dapat naipamahagi sa mga nangangailangan! (Pro Hac Vice /  BERT MOZO)

70

Related posts

Leave a Comment