HUAYI GROUP BAGYO RAW SA BI?

PITONG Chinese nationals na lumapag sa NAIA Terminal 1 galing China sakay ng China Southern Airlines CZ 3091 noong February 18 taong kasalukuyan ang naharang ng mga tauhan ng Bureau of Immigration.

Ayon sa ating reliable source, matapos ang anim na araw na pamamalagi ng Chinese nationals sa Terminal 1 ay binawi umano ng Office of the Commissioner ang reclusion order? Bakit anyare? May bagyo ba na mas malakas pa sa Yolanda ang nakiusap sa Commissioner?

Isang Huayi Group Inc. diumano ang umayos sa papel ng pitong Tsekwa upang payagan ang mga ito na makapasok at hindi maibalik sa kanilang point of origin. Hmm.. Magkano? Este papaano nangyari?

Buweno ganito yan. Nauna nang nakiusap umano ang Chinese Embassy sa BI na pagbigyan na makapasok ang pito ngunit ito ay tinabla?

Wow!! May Gad!!

Nauna nang siningil ­diumano ang pitong Tsekwa ng Huayi ng halagang P250K ­bawat isa. Ngunit ayon sa nakalap nating impormasyon, matapos umanong lumabas ang Reclusion of Exclusion Order ay ­naging P350K na ang usapan? Bakit???

May iba pa kayang matataas na opisyal ng BI ang kumita na naman dito? Aba’y mga wala palang takot ang mga tinamaan ng kidlat.

Kamakailan lamang ay isang Vivian Lara na liaison officer ng Calalang law office ang inaresto ng NBI sa loob ng Legal Division matapos ang ganitong raket sa pagpapalusot ng mga Chinese national sa bansa.

Pero bakit kaya napakalakas ng Huayi Group Inc? Sino ang kanilang protektor sa loob ng BI?

Port Operation Division Chief, Atty Candy Tan. Madam tila po natutulog kayo sa pansitan.

Attention DOJ Secretary Menardo Guevarra, Sir!! Alam ko po na galit kayo sa ganitong gawain. Paki imbestigahan nga po.

Abangan ang susunod na imbestigasyon natin sa Huayi at ang aksyon ni Secretary Menardo Guevarra sa isyung ito.

***

Samantala, isang Section Chief pa rin ang walang kadala-dala matapos ang ginawa nating pagsisiwalat sa kanyang kalokohan ay patuloy sa kanyang ilegal na gawain.

Itago natin sa pangalang Enteng Kamisote ang kumag na ito kung saan ay binibiktima nya ang mga lehitimong Travel Agent na sinisingil ng P2K bawat clearance para sa kanyang pirma? Aba eh napakamahal naman pala ng tinta ng kanyang ballpen.

Para sa inyong sumbong at reaksyon maari ninyo akong itext sa 09158888410.

49

Related posts

Leave a Comment