ILEGAL NA KONEKSYON NG KURYENTE, EBIDENSYA VS PECO

LUMALAKAS ang katibayang namayagpag ang ilegal na koneksyon ng kuryente sa Lungsod ng Iloilo sa panahong ang Panay Electric Company (PECO) pa ang distribution utility (DU) na nagpapatakbo ng e lektrisidad sa nasabing lungsod.

Kamakalawa, ipinarating ng More Electric and Power Corporation (More Power) sa media ang nakumpiska nitong kuryente na ilegal ang koneksyon.

Maganda ang ginawang ito ng More Power dahil ipinaaalam nito sa publiko ang mga kapalpakang naganap sa elektrisidad sa mismong Lungsod ng Iloilo.

Ayon sa More Power, umabot sa 300 kilometers (kms) illegal wiring, o jumper cables, ang narekober nito sa loob ng isang buwang tuluy-tuloy na operasyon laban sa ilegal na koneksyon ng kuryente.

Pokaragat na ‘yan!

Isang buwan lang, 300 kms nang ilegal na koneksyon ang nabisto!

Ayon sa More Power, ang timbang ng 300 kms ay aabot sa sampung tonelada.

Batay sa datos ng More Power, nasa 156 barangay mula sa kabuuang 180 barangay ang nagalugad nito sa isinasagawang “Operation Valeria Anti- Jumper Raid” ng nasabing kumpanya.

Sa isang buwang Operation Valeria na ito, natanggal na rin ng More Power ang 5,000 ilegal na koneksyon ng kuryente na nakakabit sa sekondaryong linya nito.

Ang ginawa ng More Power upang matiyak na matigil ang paglalagay ng mga jumper sa mga lugar na mataas ang bilang ng ilegal na koneksyon ay naglagay ito ng 500 guwardiya upang regular nilang bantayan ang mga nasabing lugar.

“We’ve already placed almost 500 guards in areas where power pilferage has been observed to be prevalent,” diin ng More Power.

Ipinaaalam din ng More Power sa publiko na 17 katao ang nakasuhan matapos mahuli sa aktong nagkakabit ng jumper cables.

Ang labingpito ay nahaharap sa mabigat na mga kasong kriminal kung saan P130,000 piyansa ang itinakda ng korte para sa kanilang pansamantalang paglaya.

Hindi titigil ang More Power, kaya hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang Operation Valeria Anti-Jumper Raid ng More Power sa 24 pang mga barangay ng Iloilo City.

Tiniyak ng More Power na wawakasan nito ang illegal na koneksyon ng kuryente sa Iloilo City.

Batay sa isinagawang pag-aaral, umabot sa 30,000 ang talamak na paggamit ng jumper, batayan kung bakit mataas ang insidente ng sunog sa power lines at mataas ang system loss.

Ang nakumpiskang mga jumper cables ay nakatakda namang gamitin ng More Power bilang ebidensya laban sa PECO na dating nagpapatakbo ng elektrisidad sa lungsod ng Iloilo sa matagal na panahon.

“All of these wirings are measured and then labelled to be used as evidence in the investigation and eventual case that would be filed against PECO to prove how prevalent power pilferage has been in the city of Iloilo during their incumbency as its power distribution firm,” paliwanag ng More Power.

Bilang resulta ng ginawang crackdown laban sa ilegal na koneksyon ng kuryente, tumaas ang bilang ng mga residenteng nag-apply para makabitan sila ng kanilang sariling electric meter.

84

Related posts

Leave a Comment