ILEGAL NA SUGAL HAMON KAY GEN. DANAO

HAGUPIT NI BATUIGAS

Malaking hamon sa liderato ni Region 4-A director Brig. Gen. Vicente Danao ang naglipanang ilegal na sugal sa Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon (CALABARZON).

Matatandaan na sa unang araw pa lamang ng kaniyang pagkakatalaga bilang kapalit ni Brig. Gen. Edward Carranza, hinika­yat niya ang hanay ng kapulisan sa CALABARZON na tumulong upang ipatupad ang mga programang kinabibilangan ng Anti-Criminality; Anti-Corruption at Anti-Illegal Drugs na siya ring prayoridad ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Subalit sa kabila ng ‘No Take Policy’ na iniutos ni Danao, nabalitaan natin na pa­tuloy pa rin ang operasyon ng mga gambling operator ng bookies na nasa tawag lamang bilang mga alyas na sina Tony ng Alaminos; Efpie ng Cabuyao; Barreto at Ebora ng Sta. Rosa; Bogs ng San Pedro; Edwin ng Los Baños; Swerwin at Orlan ng San Pablo.

Maliban pa rito, namamayagpag din ang color game ni alyas Lotys sa loob ng sabungan ng Pila.

Hindi pa rin naaawat ang mga peryahan nina alyas Yolly at Evy sa buong lalawigan naman ng Laguna.

Nakilala natin si Danao sa Manila Police District (MPD) na tapat sa kaniyang tungkulin, hardworking, disciplinarian at may kamay na bakal. Umaasa ako na ang husay na ipinakita mo sir sa serbisyo sa MPD ay hindi magbabago at ipagpapatuloy mo sa CALABARZON.

Sana ay aksyunan ninyo ni Laguna PNP Provincial Director Eleazar Matta ang mga ilegal na pasugalan ng mga gambling operator na nabanggit ko upang hindi kayo magamit ng mga tiwaling opisyal na siyang hamon sa inyong liderato sa kasalukuyan.

Abangan, may karugtong! (Hagupit ni Batuigas / MARIO B.  BATUIGAS)

89

Related posts

Leave a Comment