ISANG HUKUMAN LANG DAPAT SA DENGVAXIA CASES

EARLY WARNING

Lalo pang dumarami ang pamilyang humihingi ng ayuda-legal sa Public Attorney’s Office pero patuloy na nagbibingi-bingihan ang Department of Health sa hinaing ng mga ito samantalang si PAO Chief Persida Rueda-Acosta nama’y nananawagan kay (Supreme) Court Admi­nistrator Midas Marquez na magkaroon na lang ng isang exclusive court na didinig sa controversial Dengvaxia cases.

Sa petisyon ng PAO, mahalagang magkaroon na lang ng isang hukuman na ang tanging gagawin ay dinggin ang lalong dumaraming Dengvaxia cases lalo’t patuloy ang paghingi ng tulong ng mga pamilya na namamatayan ng kanilang mga anak matapos mabakunahan nito.

Nag-ugat ang kontrobers’ya makaraang umangkat ang DOH ng bakunang ito na ginamit sa mass vaccination program nito kung saan halos isang milyong kabataan ang naturukan na ginawa sa mga pampublikong paaralan at barangay health centers, marami sa kanila ay hindi pa nagkaka-dengue na lumalabas na mas delikado ang epekto kaysa roon sa nagkaroon na.

Sa kabila nito, patay-malisya ang DOH lalo si Secretary Francisco Duque sa paghihirap na dinaranas ng mga pamilya, hindi pa kasama ang t’yak mas marami sa kanila na pinili na lang manahimik sa kabila ng wala sa lugar na pagpanaw ng kanilang mga anak. (Early Warning / ARLIE O. CALALO)

193

Related posts

Leave a Comment