KASONG LIBELO

SIDEBAR

Sinasabing pagsasampa ng kasong libelo ang hu¬ling linya ng depensa ng mga taong sa kanilang paningin ay naging biktima ng mga maling paratang hindi lamang ng mga per¬yodista kundi maging ng mga ordinaryong tao na gumagamit ng social media.

Katotohanan naman ang depensa ng mga peryodista na nahaharap sa kasong libelo at sa mga pagkakataong nagkakamali at walang matibay na batayan ang mga peryodista o ko¬lumnista sa kanilang mga nailathala, sila ay nahahatulang guilty ng hukuman sa kasong libelo.

Mas madalas na ma-convict ang mga peryodista ng libelo kapag ang kanilang naisulat na mali ay mga pribadong indibidwal. Pagdating naman sa mga opisyal ng pamahalaan, mas liberal sa paningin ng hukuman dito dahil na rin sa paniniwala na hindi dapat balat-sibuyas ang mga nasa gobyerno pagdating sa mga batikos na nagmumula sa mga peryodista.

At kung nagsasampa man ng libelo ang mga nabatikos na opisyal ng pamahalaan, may malaking dahilan kung bakit nila ginagawa ito at ito ay dahil sa paningin nila ay mali ang mga isinulat tungkol sa kanila ng isang peryodista o kolumnista.

Ito marahil ang dahilan kung bakit nagsampa ng libelo si Executive Secretary Salvador “Bingbong” Medialdea laban kay Manila Times columnist Ramon Tulfo na isa ring opisyal ng pamahalaan dahil sa kanyang pagi¬ging Special Envoy for Public Diplomacy to China.

Ito ang paliwanag ni E.S. Medialdea sa kanyang libelo laban kay Tulfo: “I chose to be quiet in all his backhanded accusations and malicious articles against me, and let my lawyer just file the appropriate libel case against him for a libelous article he previously wrote in this newspaper…I filed it because I just wanted to correct what he was wrongfully and maliciously writing about me and to set out the truth. His motivations will come out in the future.”

Matagal ko nang kakilala si Medialdea at masasabi kong isa siyang masayahing tao at hindi basta-basta napipikon. Sa katunayan, hindi rin niya ugali ang makipag-away sa mga kontra-partido ng kanyang mga kliyente at sa ilang pagkakataon ay nagiging kaibigan niya pa ang mga ito.

Kabilang sa mga nakaibigan ni Bingbong Medialdea si Senador Panfilo Lacson noong nasa Metrocom Intelligence and Security Group (MISG) pa ito at may ranggong major.

Kilala ko rin si Mon Tulfo na kasamahan ng aking amang si Bobby Burgos sa pag-cover ng Western Police District simula noong bago mag-Martial Law hanggang sa mga unang taon ng dekada 70.

Isang halimbawa lang ito na posibleng magkamali sa mga inilalathalang balita at kolum ang isang pahayagan gaya ng Inquirer at sa pagkakataong ito ay tama ang pagsasampa ng libelo ni Lacson sa pahayagan.

Sa kaso ni E.S. Medialdea, naniniwala siyang mali ang mga paratang sa kanya ni Tulfo kung kaya libelo lang ang kanyang rekurso at inaasahang makakarating sa hukuman ang kanyang reklamo kay Mon Tulfo at mga editors ng Manila Times. Abangan.  (Sidebar / RAYMOND BURGOS)

148

Related posts

Leave a Comment