LASON AT HINDI PATABA

FOR THE FLAG
0

PINAG-IINGAT natin ang mga magsasaka sa paggamit ng mga genetically modified organism (GMO) sa mga sakahan sa bansa lalo na sa pagtatanim at pag-aani ng talong at mais.

Sa kagustuhan kasi ng marami nating mga magsasaka na magdagdagan ang kanilang kita ay nata-trap sila sa paggamit ng GMO na ang hindi nila alam ay nakasasama sa kalusugan nila habang kanilang itinatanim.

Bukod dito, ang mismong lupang pinagtatamnan ay nalalason ng nasabing mga GMO na punla at maaaring permanenteng ikasira ng ­kanilang mga lupang sakahan at maaaring madamay pa ang kalikasan o kapaligiran.

Ito rin ay nakasasama sa mga mamimili na kakain ng kanilang mga inaning GMO, at maaaring mag-resulta sa mga sakit katulad ng kanser.

Ang siste kasi, ang GMO na mga punla ay nilalayuan ng mga kulisap na karaniwang kumakain at naninira ng mga pananim. Ang lohika rito, hinahaluan ng mga kumpanya ng karne ang nasabing mga punla ng gulay kung kaya’t ang mga kulisap at insekto, sa pag-aakalang hindi gulay ang mga ito at bagkus ay mga hayop, ay nagkukusang umiwas kaya’t hindi na inaatake ang mga nasabing gulay hanggang lumaki at anihin na.

Totoong mas malaki ang ani sa pamamagitan ng GMO ngunit ang dulot namang kasamaan nito sa mga magsasaka, lupa at mga mamimili ay hindi natin nasusukat.

Ang kumpanyang GMO na ito, ka-partner ang isa pang kumpanyang pang-kemikal ang gumawa ng panlaban naman sa lamok sa bansang Brazil upang masawata sana ang Zika virus.

Nagpakawala ang kum­panya ng kemikal sa mga daluyan ng tubig sa Brazil at nagpakawala rin ng mga lamok. Ang siste sana, ang mga lamok na mangingitlog sa mga daluyan ng tubig kung saan ini-spray ang kemikal ay isasabotahe nang pag-develop ng mga kiti-kiti na magiging lamok na nagkukulang ng pakpak o kaya ay paa. Ganito din ang resulta sa mga lalaking lamok na pinakawalan, na magfe-fertilize ng mga babaeng lamok, ngunit sa paglaki ng mga kiti-kiti at naging lamok ay kulang-kulang ang mga bahagi ng kanilang katawan.

Ito ang intensyon at misyon ng mga kemikal na pinakawalan sa mga daluyan ng tubig ini-spray ang mga kemikal ay nainom ito ng mga taga-Brazil at dito na lumabas ang sakit na microcephaly kung saan ang mga nabubuntis sa Brazil ay nagkakaanak ng mga sanggol na napakaliliit ng mga ulo.

Nagkakamali ang ating mga doktor sa paniniwalang ang microcephaly ay kagagawan ng Zika virus, dahil bagong sakit lamang ito sa Brazil samantalang ang Zika virus ay noong taong 1950’s pa nagkakaroon ng insidente sa nasabing bansa. Hindi  Zika virus, kundi ang kemikal na ini-spray sa mga daluyan ng tubig at ang alterasyon na ginawa sa mga lalaking lamok ang maaaring lumikha ng sakit na microcephaly. (FOR THE FLAG / ED CORDEVILLA)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment