MABUHAY KA SECRETARY LORENZANA

0

ISANG Secretary Delfin Lorenzana lang pala ng Department of National Defense ang magpapakita ng tapang laban sa bully sa West Philippine Sea.

Pero alam natin hindi siya nag-iisa. Marami sa mga Filipino maging sa mga opisyal ng gobyerno ang atat na atat na sa pakikipagbakbakan sa usapin ng teritoryong harap-harapan ay gustong agawin sa atin.

Sinimulan ni Secretary Lorenzana, tiyak marami na ang susunod na magpapamalas na rin ng tapang. Sana lang ay maging consistent!!! Baka naman kapag si Presidential Spokesman Harry Roque na ang bumitaw ng pahayag ay lelembot-lembot na naman?

Sabi ni Senador Panfilo Lacson, dapat daw ay suportahan ng mga Filipino si Secretary Lorenzana sa matibay nitong posisyon para protektahan ang ating soberenya.

Saludo kami sa iyo, Sir. Ipagpatuloy mo lang at makaaasa ka na nasa likod mo ang mga Filipino na nagmamahal sa bayan.

Bilib din tayo dito kay Secretary Teodoro Locsin Jr. na mas kilala sa tawag na Teddy Boy noon pa mang siya ay isang Kongresista at batikang mamamahayag.

Di niya iniwang nag-iisa sa laban si Secretary Lorenzana. Pinaalalahanan pa niya ang Chinese Embassy na mag-ingat sa pagbibitaw ng salita.

Bisita nga lang naman daw sila dito sa bansa pero ang tapang nila magsalita sa isang mataas na opisyal ng ating gobyerno.

Hoy Ambassador Huang Xilian nasobrahan ka naman yata sa yabang? Eh kung sugurin namin kayo diyan sa tinitirhan mo sa Dasmariñas Village sa Makati? Maramdaman mo lang ang angas ng mga Pinoy na galit na galit na sa pambu-bully nyo sa amin sa sarili naming teritoryo.

Naturingan ka pa man ding diplomat pero wala ka nung tinatawag na diplomasya. Sabi nga ni Secretary Locsin, kayo ay aming mga bisita dito sa Pilipinas kaya umasta kayo bilang mga bisita. Bwiset!

Huwag na rin ninyong bigyan ng anumang palusot ang 44 mga barko ninyo na nananatili pa rin doon sa aming Julian Felipe Reef. Kung pinaalis na ninyo ang mga iyan agad-agad, tapos ang usapan! Wala na kayong maririnig sa amin na anupaman.

Sumasawsaw naman sa isyu itong 1Sambayan. ­Suportado daw nila si Secretary Lorenzana. Salamat naman at ­diyan man lang ay nagpakita kayo ng suporta. Pero teka, hindi dapat makalimutan ng mamamayan na sa panahon ninyo nagsimulang mangkamkam ng teritoryo ang mga dayuhan.

Baka yang pasupo-suporta ninyo kay Lorenzana at Locsin ay sa layunin lang na umiwas kayo sa isyu na ang dating administrasyon ninyo ang totoong dahilan bakit nakapagtayo ng maraming istraktura ang mga Intsik sa West Philippine Sea?

Huwag nga kami! Mga plastik!

Anuman ang kahihinatnan ng usapin, malinaw ang ­paninindigan ng ating gobyerno. Ipaglalaban natin ang ating mga teritoryo. Pero siyempre umaasa tayo na mareresolba ito sa mapayapang paraan. Tutal at buong pagmamalaki ng China na sila ay ating kaibigan, walang hindi masosolusyunan sa isang mabuting usapan.

Malalampasan natin lahat ng ating problema. Kapit Lang!

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment